Sunday , November 17 2024

Michael Buble, magreretiro na dahil sa anak na may liver cancer

APEKTADO si Michael Buble ng pagkakaroon ng liver cancer ng panganay n’yang anak na 5 years old pa lang kaya naiproklama n’ya na ang malapit nang i-release na album ang huli na n’ya dahil gusto na n’yang magretiro para maasikaso nang husto ang anak.

Noah ang pangalan ng anak n’ya at simpleng Love lang ang titulo ng album na sa November pa naman iri-release.

Noong 2016 na-diagnose ang bata at mula noon hanggang nitong kalagitnaan ng 2018 ay hindi nag-concert si Michael at ‘di rin gumawa ng album.

Dahil bumubuti na ang kalagayan ni Noah, nakabalik na sa paggawa ng album si Michael. Kaso, ‘di pa rin n’ya mapigil ang sarili na magsalita ng kung ano-ano na parang may sense of guilt siya sa nangayari sa anak.

Pahayag n’ya sa isang interbyu kamakailan, “I don’t have the stomach for it anymore. The celebrity narcissism. This is my last interview. I’m retiring.”

Mabilis naman n’yang dagdag, “I’ve made the perfect record and now I can leave at the very top.”

Maraming fans n’ya ang nag-panic sa pahayag n’yang ‘yon sa dyaryong  Daily Mail sa plano n’yang pagreretiro.

Pahayag ng isang fan, “If Michael Buble retires, holiday music won’t be the same.”

Lahad naman ng isa pa, “Michael Buble is retiring. I am sobbing.”

Itinanggi ng isang representative ni Michael ang pahayag n’ya tungkol sa pagtalikod sa kanyang career.

“He is not going anywhere,” deklara ng representative.

“Michael was talking about the emotions he was feeling during his son’s illness,” pagtutuwid ng representative.

Ang reaction ng fans ni Michael sa US sakaling mag-retire ang singer ay maaaring siya ring maging reaksiyon ng Pinoy fans niya. After all, tatlong beses nang nag-perform sa Pilipinas si Michael—noong 2003, 2005, at 2015. Sa ilan sa mga concert n’ya sa Pilipinas, naka-duet n’ya sina Sharon Cuneta at Martin Nievera.

Nitong huli nga n’yang concert sa bansa, kasama n’ya ang misis n’ya at ang anak nilang si Noah na 3 years old pa lang. Isang taon pagkatapos niyon ay at saka nadiskubreng may kanser ang bata.

“Second home” ang itinawag n’ya sa Pilipinas noong January 30, 2015 concert niya. Kasi nga, noong unang punta n’ya rito ay at saka lang siya nakaranas na pinagkagukuhan siya at sinusugod ng fans. For the first time sa career n’ya na nagsimula ng 1995 sa Canada, kinailangan siyang protektahan ng mga security guard.

Sana naman ay tuluyan ng gumaling ang anak n’ya at makapag-concert siya uli rito sa bansa na kasama si Noah. Iligwak na rin sana ni Michael ang guilt feelings n’ya sa pagkakaroon ng sakit ng anak n’ya.

May dalawa pang anak si Michael sa misis n’yang aktres na nagmula sa Argentina, si Luisana Lopiloto. May anak silang isa pang lalaki na 3 years old pa lang ngayon. Ang bunso nila ay 2 months old at ito ang nag-iisang anak nilang babae.

ni DANNY VIBAS

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *