Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, bagong mukha, bagong katawan

MAAYOS at napakapayapa siguro ng buhay ni Claudine Barretto ngayon. At maaring ‘yun ang dahilan kaya pati ang katawan at mukha n’ya ay napakamaayos din.

Dumalo siya sa gala premiere ng First Love na nagtatampok kina Bea Alonzo at Aga Muhlach na naging leading man n’ya noon sa pelikulang Kailangan Kita (2002). Pumasok sa sinehan si Claudine kasama ni Raymond Gutierrez.

Sa report ng ABS-CBN website tungkol sa hitsura n’ya: “Claudine Barretto… looked astonishing as she arrived in a sleeveless number. The actress wowed the red carpet in her black turtleneck top and a pencil skirt to match.”

Bawas na bawas na kasi ang timbang ng tiyahin ni Julia Barretto at bunsong kapatid nina Gretchen at Marjorie Barretto (na ina ni Julia). Hawas na hawas din ang kanyang mukha. Larawan siya ng isang babaeng mapayapa.

Wala nang napapabalitang kairingan ng dating Mrs. Raymart Santiago. May sariling buhay na si Raymart gayundin naman si Claudine. Dumalo naman si Raymart sa graduation ng anak nilang si Sabina ilang buwan na ang nakararaan.

Hindi man nai-Instagram o Facebook na close na uli siya sa ate n’yang si Gretchen, wala namang napapabalitang komprontasyon o isnaban nilang magkapatid.

Malamang na nakatulong din sa pagbuti ng personalidad ni Claudine ang regular na pagbisita n’ya sa psychiatrist na si Dr. Bernadette Manalo-Arcenas.

Si Claudine rin mismo ang nagbalita niyong Enero ng taon na ito sa Instagram n’ya na regular siyang nakikipagkita sa doktora. Matindi kasi ang dinanas ni Claudine sa pagkamatay ng boyfriend n’yang si Rico Yan dahil sa droga. Kung madaling nakalimutan ng madla ang pagyao ni Rico, ‘di naging madali ‘yon para kay Claudine.

Alam n’yo bang tuwing may yumayao na isang tao na malapit sa atin, nagkakaroon tayo ng guilt complex kahit na wala tayong kinalaman sa mga dahilan ng pagyao? Madaling maunawaang magkakaroon ng guilt complex si Claudine sa pagyao ni Rico dahil ang alam ng madla ay may relasyon pa rin si Claudine sa aktor. Pero wala na, kaya nga ‘di siya kasama ni Rico sa beach resort na kinamatayan ni Rico dahil umano sa overdose sa droga. Holy Week noong nangyari iyon.

Malamang ay pinatawad na rin ni Claudine ang lahat ng tao at pangyayari na iniisip n’yang may kinalaman sa karamdaman n’yang ang tawag ng mga doktor ay “panic disorder.” Ang turo ng spiritual teachers ay sa pagpapatawad kanino man, ‘di kinakailangang makisama o makihalubilo ang nagpapatawad sa mga tao na pinapatawad nila.

Ultimately, ang ibig sabihin ng pagpapatawad ay ang ‘di pagkimkim ng muhi at galit kanino man. Ang manipestasyon nito ay ang pagdarasal na matupad ang mga pangarap ng mga taong pinatawad.

Samantala, aware naman si Claudine na nakabibighani ang hitsura n’ya ngayon. Ipinaskil n’ya sa Instagram n’ya ang mga litrato n’yang kuha sa premiere night na ‘yon ng First Love. Nag-react ang mga netizen fan n’ya na “blooming,” “gorgeous,” at “sexy” siya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …