MISTULANG isang political propaganda na ang tema ng napapanood sa seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Nagkakaroon ng idea mga manonood kung ano na ba ang tunay na nangyayari sa ating pamahalaan. Isang dahilan ito kung bakit marami ang sumusubaybay ng action-serye sa kabila ng napakahabang komersiyal.
May hindi naiwasang magtanong kung sa istoryang napapanood ngayon puwedeng bugbugin pa ang isang senior citizen tulad ni Jaime Fabregas, gumaganap na heneral. Tila exaggerated namang tanawin ito makadagdag lang sa hinahabol na rating.
Well sa television po walang imposible, nabubuhay nga nila ang isang namatay ng karakter.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales