Sunday , March 23 2025

DDB kay Duterte: Narco-list ng politiko’t kandidato isapubliko

IGIGIIT ng Dangerus Drugs Board (DDB) kay Pangulong Rodrigo Du­terte na payagan ma­ispubliko ang listahan ng mga politiko o mga kan­didato na sangkot sa ilegal na droga para ma­ging gabay ng mga botante sa pagpili ng mga ilu­luklok sa pu­westo sa 2019 midterm elections.

Ito ang pahayag ka­ha­pon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ang posisyon aniya ng DDB, may karapatan ang mga botante na ma­ba­tid ang pagkatao ng mga kandidato na pipi­liin nilang maging kina­tawan nila si Kongreso o magiging pinuno sa kanilang lugar.

Giit ni Panelo, ang narco-lists na inihanda ng mga awtoridad kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay hindi imbento kundi batay sa intel­ligence reports na isinai­lalim sa serye ng kom­prehensibong pagtasa.

Makaaasa aniya ang publiko na ang narco-lists ay may kredibilidad at hindi propaganda la­mang para siraan ang mga kandidato.

Wala pa aniyang desisyon si Pangulong Duterte kung babasbasan ang paglabas ng narco-lists.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Itinatayong Pritil public market ‘di inutang ng Maynila – Lacuna

Itinatayong Pritil public market ‘di inutang ng Maynila – Lacuna

WALANG inutang ang pamahalaang Maynila sa pagpapatayo ng bago at modernong public market sa Tondo. …

Iwas sunog, protektahan ang pamilya sa Palawan ProtekTODO

Iwas sunog, protektahan ang pamilya sa Palawan ProtekTODO

TAON-TAON ang paalala sa pag-iwas sa sunog sa pamamagitan ng pagdiriwang sa buwan ng Marso …

Ara Mina Sarah Discaya

Ara Mina at Sarah Discaya, kapit-bisig sa pagsabak sa public service at pagtulong sa mga taga-Pasig

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAHUNTAHAN ng mga taga-entertainment media sina Ara Mina at ang …

Bulacan Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan

Bulacan, Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan awardee

KINILALA ang lalawigan ng Bulacan at tumanggap ng Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan Award noong 13 …

Bulacan Police PNP

3 MWPs sa Obando nasukol

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang tatlong most wanted persons sa bayan ng Obando, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *