Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Queen of WEMSAP Wilbert Tolentino
Queen of WEMSAP Wilbert Tolentino

Ms. South Africa, wagi sa Queen of WEMSAP

NAPAKABONGGA ng katatapos na WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines) Coronation Night 2018 na isinagawa sa Aliw Theater noong Miyerkoles ng gabi.

Apatnapu’t limang kandidata ang naglaban-laban para sa limang korona kasama ang pinag-aagawang titulo, ang Queen of WEMSAP.

Ang WEMSAP ay isang organization ng legitimate Online Marketing Center na ang focus ay ang pagha-handle ng non-voice accounts sa mainstream ng business process outsourcing industry.

Ayon sa head at founder nitong si Wilbert Tolentino, ”WEMSAP aims to continue to provide jobs to thousands of mostly out-of-school-youth and the unemployed.”

Bukod sa negosyong WEMSAP, si Tolentino ang itinanghal na Mr. Gay World Philippines 2009 na siya ring naging national director nito pagkaraan. Siya ang nagrepresent ng ating bansa sa isinagawang kompetisyon sa Whistler, Canada. Nakuha niya ang mga titulong Mr. Gay Popularity, Best in National Costume, Best in Formal Wear and Sports Challenge Winner. At dahil sa background na ito at sa layuning makatulong, naisip niyang gumawa ng isang journey ng glitz and glam.

At sa katatapos na Coronation Night, itinanghal na Queen of WEMSAP Universe 2018 si Ms. South Africa na nag-uwi ng P500K cash na sinundan ni Ms. Mexico bilang Miss World na nagkamit naman ng P200k.

Si Ms. Puerto Rico ang itinanghal na Miss International na nakakuha ng P100K; si Ms. Thailand naman ang nakoronahan bilang Miss Earth at nakakuya ng P50K; at si Ms. Uruguay ang naging Miss Supranational na mayroong premyong P25K.

Nagpatalbugan ang 45 kandidata sa kani-kanilang pambansang kasuotan para sa Parade of Nations at rumampa rin sila sa kani-kanilang swimsuit at evening gown.

(MVNicasio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …