Friday , December 6 2024
Mader Sitang Wilbert Tolentino

LGBTQ influencer, nagka-trauma kay Mader Sitang

IKINAWINDANG ni Wilbert Tolentino na mula 2-M, naging 8-M hanggang sa umabot sa 20-M Baht ang hinihingi sa kanya ng sana ay talent niyang si Thai internet sensation Mader Sitang.

Bilang manager/talent sana ay 70 percent ang kay Mader Sitang at 30 percent naman ay sa team at accommodations ng Thai transgender woman kapag may mga projects na siya. Kaya ikinawindang ni Wilbert na humihingi na agad ito ng 20-M Baht samantalang wala pa siyang naisasarang project para rito.

Ex-deal naman sana kung ipo-promote ni Mader Sitang ang mga negosyo ni Wilbert tulad ng The One 690 Entertainment Bar at ang H & H Makeover Salon; walang 2-M, 8-M, at lalong walang 20-M na nakasaad sa kanilang kontrata.

“Wala po, depende sa kung anong project ang makukuha ko sa kanya,” saad pa ni Wilbert.

Pero sa airport pa lamang sa Thailand noong pumunta si Wilbert para ayusin na nga sana ang kontrata nila ay nagpakita na ng pagkainis si Mader Sitang nang malaman nito na walang dalang 20-M Baht si Wilbert (na Mr. Gay World Philippines 2009 at founder and president ng WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc. at isa ring LGBTQ influencer).

Hindi ba naisip ni Mader Sitang na hindi naman puwedeng magbitbit sa eroplano ng milyones na cash?

“Opo nga po eh, hanggang P10,000 lang po,” wika ni Wilbert.

Twenty million pesos naman ang halaga ng mga produktong gawa na, na dapat sana ay ie-endorse ni Mader Sitang dito sa Pilipinas at sa Thailand tulad ng mga pabango at beauty products na ang balak ni Wilbert ay ipamigay na lamang.

“Okay na po ‘yun, move on na po ako.”

Lesson learned kay Wilbert ang nangyari, na huwag basta magpapaniwala sa mga mababalitaan niya dahil baka nga fake news lamang ito, tulad ng nadiskubre niyang hindi naman pala tunay na lawyer sa Thailand si Mader Sitang.

Bago niya nakilala si Sitang ay iyon na ang nakalagay sa profile nito, na noong nasa Thailand si Wilbert at nagkakagulo na ay doon niya nalaman na hindi iyon totoo.

Hindi na inalam ni Wilbert kung ano ang tunay na estado sa buhay ng naturang Thai national.

Humingi naman ng sorry si Sitang kay Wilbert pero binalewala na ito ni Wilbert dahil na-trauma na siya.

Ipina-blacklist na niya si Sitang dito sa Pilipinas.

Naka-focus ngayon si Wilbert sa negosyo niyang online shopping site, ang UBC (Ultimate Brand Concept) na makabibili ng iba’t ibang produkto ni Wilbert tulad ng beauty products, accessories, gadgets, at kung ano-ano pa.

Mga local talent na ang kinuha niyang endorsers tulad nina Sebastian Castro, Kevin Ballot, MM Madrigal, Kim Andaya, at si Wilbert mismo.

Balak niyang kunin ding brand ambassador ng UBC sina Ice (dating Aiza) Seguerra at Jake Cyrus.  

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Rufa Mae Quinto Boy Abunda

Rufa Mae iginiit ‘di nanghingi ng pera; Kuya Boy naalarma para sa alaga

MA at PAni Rommel Placente NAGLABAS ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *