Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Queen of WEMSAP
Queen of WEMSAP

WEMSAP pageant, mala-international beauty contest

NAPAKABONGGA ng katatapos na WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines) Coronation Night 2018 na isinagawa sa Aliw Theater noong Miyerkoles ng gabi.

Apatnapu’t limang kandidata ang naglaban-laban para sa limang korona kasama ang pinag-aagawang titulo, ang Queen of WEMSAP.

Ang WEMSAP ay isang organization ng legitimate Online Marketing Center na ang focus ay ang pagha-handle ng non-voice accounts sa mainstream ng business process outsourcing industry.

Ayon sa head at founder nitong si Wilbert Tolentino, “WEMSAP aims to continue to provide jobs to thousands of mostly out-of-school-youth and the unemployed.”

Bukod sa negosyong WEMSAP, si Tolentino ang itinanghal na Mr. Gay World Philippines 2009 na siya ring naging national director nito pagkaraan. Siya ang nagrepresent ng ating bansa sa isinagawang kompetisyon sa Whistler, Canada. Nakuha niya ang mga titulong Mr. Gay Popularity, Best in National Costume, Best in Formal Wear and Sports Challenge Winner. At dahil sa background na ito at sa layuning makatulong, naisip niyang gumawa ng isang journey ng glitz and glam.

At sa katatapos na Coronation Night, itinanghal na Queen of WEMSAP Universe 2018 si Ms. South Africa na nag-uwi ng P500K cash na sinundan ni Ms. Mexico bilang Miss World na nagkamit naman ng P200k.

Si Ms. Puerto Rico ang itinanghal na Miss International na nakakuha ng P100K; si Ms. Thailand naman ang nakoronahan bilang Miss Earth at nakakuya ng P50K; at si Ms. Uruguay ang naging Miss Supranational na mayroong premyong P25K.

Nagpatalbugan ang 45 kandidata sa kani-kanilang pambansang kasuotan para sa Parade of Nations at rumampa rin sila sa kani-kanilang swimsuit at evening gown.

ni Maricris Valdez-Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …