Monday , March 17 2025
Iñigo Pascual Ken San Jose
Iñigo Pascual Ken San Jose

Ken San Jose at Iñigo, napag­kamalang kambal

MABUTI na lang at alam ng lahat na iisa lang ang anak ni Piolo Pascual, si Inigo, sa nanay nitong si Donnabelle Lazaro dahil sa nakaraang Cornerstone Music Grand Launch na ginanap sa Eastwood Central Plaza hatid ng Wish 107.5 ay kahawig ng binata ang isa sa ini-launch na kilalang dancer at social media influencer, si Kenneth o Ken San Jose.

Ang pagkakaiba lang ay Tisoy si Inigo at moreno naman si Ken pero sa pananalita, pagkanta, at pagsayaw ay para silang kambal.

Sabi nga ng supporters nilang dumayo ng Eastwood, parang magkapatid ang dalawa. Puwede rin naman, kasi iisa ang manager nila, si Erickson Raymundo.

Si Ken muna ang nagpakitang gilas sa pagsayaw at pagkanta ng awiting si Inigo mismo ang sumulat na Loose Control na malapit nang mapakinggan sa digital.

Ini-research namin si Ken dahil hindi namin siya kilala at iisa nga ang galaw nila ni Inigo dahil dancer din pala ang binatilyo na laking Amerika at isa siya sa dancer ng kilalang hip-hop dancer/choreographer na si Matt Steffanina mula Los Angeles California, USA.

Maganda ang boses ni Ken at marami silang videos ni AC Bonifacio ng cover songs at partner din sila sa dance floor.

Going back to Inigo ay nag-duet sila ni Ken ng awitin niyang Dahil Sa ‘Yo kaya hiyawan to the max ulit ang kani-kanilang supporters.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Delia Razon Carla Abellana

Delia Razon pumanaw sa edad 94; Carla nagdadalamhati 

I-FLEXni Jun Nardo NAGLULUKSA ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa pagpanaw ng kanyang lola at …

Mark Herras dinagsa ng trabaho kapalit ng sangkatutak na hater

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGPAPASALAMAT si Mark Herras sa mga hater dahil dumami ang trabaho niya simula …

Mia Pangyarihan Lito Alejandria WASSUP 2

Celebrity businesswoman Cecille Bravo suportado WASSUP Super Club ni Mamalits

MATABILni John Fontanilla SUPORTADO ng celebrity businesswoman  at vice president ng Intele Builders and Development …

Kim Chiu

Kim durog na durog sa DDS supporters 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT ang aktres at It’s Showtime host na si Kim Chiu nang magalit sa kanya ang ilang …

Kim Chiu BIR

Kim Chiu pumalag idinamay sa isyu ni Duterte

MA at PAni Rommel Placente UMALMA si Kim Chiu sa maling interpretasyon at fake news tungkol sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *