Wednesday , December 8 2021
 Lolit Solis Piolo Pascual 
 Lolit Solis Piolo Pascual 

Manay Lolit saludo sa kabaitan ni Piolo

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

USAPING Lolit Solis pa rin, napanood namin ang panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz na in-upload kamakailan at isa sa napag-usapan nila ay ang ginawa niyang scam sa 1994 Film Festival Awards Night na ipinanalo niya ang alagang si Gabby Concepcion na dapat sana ay si Edu Manzano ang Best Actor.

Ang paliwanag niya kay Ogie kung bakit niya ginawa, ”That time medyo nag-i-slide down siya, eh (Gabby) kasi nag-asawa siya ng bago si Jenny Syquia. So, akala ko talaga ang magiging winner si Richard Gomez, kasi siya ang karibal ni Gabby.

“Hindi ko alam na si Edu Manzano ang mananalo dapat. So sabi ko hindi puwedeng manalo si Richard, lalong babagsak si Gabby kaya naisip kong siya (Gabby) ang maging best actor, so ‘yun!” kuwento ni Manay.

Kinausap daw ni Manay Lolita ng mga presenter na pangalan ni Gabby ang tawagin kahit na si Edu ang nanalo.

“Iyon ‘yung take-take it, kadiri,” tumatawang balik-tanaw nito.

Understandable na ipinanalo ni Manay Lolit si Gabby, bakit pati si Ruffa Gutierrez nanalo rin eh, si Aiko Melendez pala ang winner?

“Si Ruffa? Kasi siya ang inutusan kong magbasa ng Gabby Concepcion. Tapos ‘yun pala sila ang magwi-witness against me! Ang winner pala noon dapat si Aiko,” kuwento nito kay Ogie.

Dagdag pa, ”pero kung alam kong si Edu Manzano ‘yun (nanalo) baka nagdalawang isip ako kasi hindi naman siya direktang karibal ni Gabby, eh, that time akala ko talaga si Richard.”

Sapantaha ni Manay Lolit na nagamit din siya sa politika noon dahil nga mga Metro Mayors ang bumubuo ng Metro Manila Film Festival.

“Kasi kung showbiz lang ‘yan (hawak ang MMFF), pag nagkabukingan, ang sasabihin lang ng lahat, ‘naku ‘yang Lolita na ‘yan may ginawa na namang kapalpakan. Parang matatanggap kasi nga ang showbiz naman para tayong pamilya madali naman tayong mapagpatawad.

“That time parang nagamit din ako para gumanda ‘yung image ng mga politicians, so, they run after me,” pahayag ni Manay Lolit.

Inamin naman daw lahat nito ang kasalanan niya at tinanggap niyang nagkamali siya kaya sa kabilang banda, hindi pa rin totally nawala ang kredibilidad niya kasi inamin niya.

Kaya malaki ang pasalamat niya sa mga alaga na itinuring niyang anak dahil sinuportahan siya hanggang dulo at hindi siya iniwan tulad nina Senator Bong Revilla, Jr.,Bacoor Mayor Lani Mercado, Lorna Tolentino,at Christopher de Leon.

“Sabi ko magpa-manage na sila sa iba kasi nga ‘di ba, pero sabi nila hindi nila ako iiwanan at doon iniligtas ako ni Douglas Quijano,” alaala pa ng manager.

Hindi rin nito itinanggi na panay ang inom niya ng sleeping pills hanggang sa ma-overdose.

Isa pang hindi malilimutan ni manay ay ng mademanda siya dahil sa isinulat niyang sina Piolo Pascual at Sam Milby na umano’y may relasyon.

“Oo kagagahan ko. Hindi ko naman alam kung sino ang kabulungan ni Piolo noong nakita ko. Nakita ko lang may binubulong so, nagbigay ako ng malisya na may binubulungang lalaki si Piolo.

“Eh, tapos ang ginawang title ni Salve (Asis-editor ng Pilipino Star -Sam and Piolo, naglalampungan). 

“Noong idinemanda nila ako, ang nagdemanda nga raw si Direk Johnny Manahan at talagang nilapitan ko si direk Johnny sabi ko, ‘direk bakit mo ako idinemanda, eh, ang dami-daming nagsusulat ng kung ano-ano tungkol kay Piolo?

“Sagot niya (Mr. M), ‘di bale ng iba ang nagsulat sana hindi ikaw kasi ‘yung sa ‘yo parang vinalidate mo na ‘yung issue. Hindi ko alam kung magmamalaki ako na may kredibilidad ako kaya ako nademanda,” tumatawang kuwento ni manay Lolit.

At nagtapos ang kaso noong humingi siya ng apology, ”pinatawad nila ako tinanggap nila ‘yung apology ko.”

At dito rin nalaman ng kilalang media personality kung gaano kabait si Piolo Pascual.

“Siyempre after niyon (kaso), umiiwas ako kasi nahihiya ako baka hindi ako batiin, pero siya ‘yung lumalapit. Doon ko nakita kung gaano siya ka-polite,” pagpapatotoo ni Manay sa aktor.

About Reggee Bonoan

Check Also

Ping Lacson Caleb Jiro Iwa Moto

Sen Ping Lacson pinaglihian ni Iwa?

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio PINAGLIHIAN kaya ni Iwa Moto, asawa ni Pampi Lacson ang biyenan niyang si Sen. …

Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALKni Pilar Mateo  “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang …

Gabbi Garcia, Khalil Ramos

Khalil at Gabbi sa Bora ang selebrasyon ng kaarawan

I-FLEXni Jun Nardo BORACAY ang destinasyon ng showbiz couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa 23rd birthday celebration …

Blind Item Corner

Matinee idol bargain na ang presyo

HATAWANni Ed de Leon  “BARGAIN na ngayon si matinee idol, P20K na lang siya. Kapresyo na …

Nora Aunor Comelec

Party list ni Nora binutata ng Comelec

HATAWANni Ed de Leon NAKASAMA ang party list ni Nora Aunor, iyong NORA A, sa listahan ng 127 party …

Leave a Reply