BACOLOD CITY – Nakatakdang mag-mass leave ang 3,000 guro sa Negros Occidental kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day sa Biyernes.
Ito ay para ipanawagan ang dagdag suweldo para sa mga guro.
Sinabi ni Gualberto Dajao, presidente ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa rehiyon, naghihirap na ang mga guro lalo na’t damang-dama nila ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Dagdag niya, imbes magsaya, idadaan nila sa protesta ang paggunita sa World Teachers’ Day.
Bukod sa mga inihandang mga banner at placards, magdadala rin ng kitchen utensils ang mga miyembro ng ACT para gamitin sa kanilang noise barrage.