SERYOSO kayang itutuloy ng Kapamilya Network ang seryeng Los Bastardos?
Ang sama ng titulo, eh! Tunog nagmumura!
“Bastardo” o “bastarda” ang lumang tawag sa mga anak sa labas, o mga anak na ‘di produkto ng babae at lalaking ‘di kasal sa isa’t isa.
“Bastard” ‘yon sa Ingles, at ‘di na rin nga ginagamit ngayon ang salitang Ingles na ‘yon. Pati nga yung “child out of wedlock” ay ‘di na rin ginagamit. “Love child” na ang tawag sa mga batang hindi nabasbasan ng kasal ang mga magulang.
Maraming bastardo at bastardang showbiz idols. Para nga ‘di sila matawag na “bastards” o “love children,” idini-describe nila ang kanilang mga sarili na “anak sa second family” kahit na pangatlo o pang-apat na pamilya na sila. ‘Di kasal sa isa’t isa ang mga magulang nila.
‘Di kaya alibadbaran ang showbiz idols na “love children” naman talaga in real life?
Actually, ang buong titulo ng upcoming teleserye ay Precious Hearts Romances: Los Bastardos. At ang mga bida rito ay sina Jake Cuenca, Albie Casino, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, at Josh Colet.
Si Ronaldo Valdez ang gaganap na ama nila—pero mukhang magkakaiba ang mga ina nila, kaya sila binansagang “bastardos.” Pag-aaway-awayan ng mga bastardo ang kayamanan ng kanilang ama.
Dalawa sa leading ladies sa serye ay ang Miss International 2016 na si Kylie Verzosa at ang Bb. Pilipinas-Universe 2016 na si Maxine Medina. Pero leading ladies din ng “bastardos” sina Ritz Azul, Jane Oneiza, Mica Javier, at Majoy Apostol.
Sometime in October magsisimulang ipalabas ang serye, ayon sa isang report sa ABS-CBN News website.
Napaaprub na kaya sa Movie and Television Review and Classification Board ang buong titulo ng serye?
Natutuwa kaya sina Jake, Diego, Albie, Marco, at Josh kung sa mga write-up sa kanila ay tawagin silang mga bastardo?
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas