BURADO na nga ang lahat ng ibang mga talk show host, wala na naman talagang natirang showbiz talk show, maliban sa show ni Boy Abunda, na tinatawag ngayong King of Talk. Dalawa pa ang kanyang talk shows, iyong Bottomline at iyong Inside the Cinema.
Isa lang ang nakita naming kaibahan ng dalawang shows na iyan. Habang ang ibang mga talk show ay nabuhay sa tsismis, iyong Bottomline at iyong Inside the Cinema ay tumatalakay ngayon sa mga diskusyon at issues na ginagamitan ng utak. Diyan naman magaling si Boy.
Iyong ginagawa ni Boy ngayon, siguro maikukompara lamang sa ginawa ng host na nagsimula ng lahat ng iyan, si Inday Badiday. Kagaya ni Badiday, si Boy lang din ang nakalipat-lipat sa iba’t ibang networks at nag-survive. Pero sinasabi niya, hindi siya naniniwalang forever ang pagiging talk show host niya. Pero sa palagay namin magtatagal pa ang kanyang panahon sa telebisyon.
HATAWAN
ni Ed de Leon