Monday , December 23 2024
Antonio Trillanes IV mugshots
ISINAILALIM si Senador Antonio Trillanes IV sa booking procedure katulad ng pagkuha sa kanya ng mugshots at finger prints sa Makati Police Station kasunod ng pagpapalabas ng Makati court ng warrant of arrest at hold departure order laban sa kanya. (ERIC JAYSON DREW)

Trillanes inaresto

INIUTOS ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 nitong Martes ang pag-aresto kay Senador Antonio Trillanes IV dahil sa ka­song rebelyon.

Sa parehong kautu­san, nag-isyu rin ng hold departure order si Judge Elmo Alameda laban senador.

Ngunit pinayagan ng korte si Trillanes na mag­la­gak ng piyansa sa hala­gang P200,000.

Binuhay ng Depar­tment of Justice (DOJ) ang kasong rebelyon makaraan ipawalangbisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya na ipinagkaloob sa senador noong 2011.

Noong Lunes naging hinog para sa resolusyon ang urgent motion ng DOJ makaraan ipasa ni Tril­lanes ang kaniyang rej­oin-der statement.

Noong 4 Setyembre, isinapubliko ang pagpa­pawalang-bisa ni Duterte sa amnestiya ni Trillanes.

Katuwiran ng prokla­masyon ni Duterte ay hindi umano naghain ng official amnesty appli­cation form at hindi uma­min ng kasalanan si Trillanes kaya sa simula pa lang ay wala nang bisa ang amnestiyang ipinag­kaloob sa kanya ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Para sa DOJ, dahil wala nang bisa ang am­nes­tiya kaya puwede na muling umusad ang mga naunang kaso ni Trillanes dahil sa 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Peninsula incident.

PIYANSA INILAGAK

NAGLAGAK ng P200,000 piyansa si Senador Antonio Trillanes IV kahapon.

Ito’y kasunod ng pag­l­a­bas ng warrant of arrest mula sa Makati Regional Trial Court Branch 150.

Inihayag ni Trillanes, normal lamang ang kan­yang nararamdaman, sabay sabing “been there, done that.”

Kusang loob na su­ma­ma si Trillanes sa mga nagsilbi ng warrant of arrest, kahit hindi aniya makatarungan ang pag­pa­paaresto sa kanya.

Giit ni Trillanes, ipina­kita na niya ang lahat ng mga puwedeng ipakitang ebidensiya, nagpresenta rin siya ng mga testigo at nag-admit ng guilt kaya siya nabigyan ng amnes­tiya ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aqui­no III.

Dakong 3:10 pm ka­ha­pon, umalis si Tril­lanes sa Senado upang mag­tungo sa Makati RTC para maglagak ng P200,000 piyansa o bail.

Natapos bandang 4:00 pm ang booking pro­cedure katulad ng pag­kuha ng mugshot at finger prints. Nangako si Tril­lanes na muli siyang babalik sa Senado.

Sa kasalukuyan, may pending na arrest warrant si Trillanes sa kasong kudeta o rebelyon sa RTC Branch 148 ng Makati.

(CYNTHIA MARTIN)

MILAGRO HIHINTAYIN SA SENADO

INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV nitong Martes, mananatili siya sa Senado makaraan maglagak ng piyansa sa Makati court kasunod nang pag-aresto sa kanya at paglaya.

Sinabi ito ng senador kasabay ng pagpa­paha­yag ng kanyang pagka­desmaya sa hudikatura, na umano’y bumigay sa pressure ng punong ehekutibo.

“Nakadedesmaya na itong ating hudikatura ay tumiklop sa pressure nitong diktador na si Mr. (Rodrigo) Duterte,” paha­yag ni Trillanes.

“Wala na e, as it is, milagro ang inaantay natin from (Makati Re­gional Trial Court) Branch 148. We’re, kumbaga, slightly more hopeful but we have to expect for the worst.”

Agad bumalik si Tril­lanes sa Senado maka­raan maglagak ng P200,000 piyansa para sa pansamantala niyang pag­laya sa kasong rebel­yon kaugnay sa 2007 Manila Peninsula siege, kabilang sa kasong kri­minal na binuhay maka­raan ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Dute­rte ang ipinagkaloob na amnestiya sa senador noong 2011.

Ayon kay Trillanes, naniniwala siyang si Duterte ang nasa likod ng paglabas ng utos ng korte para sa kanyang pagka­aresto.

“That’s very obvious. Ito talaga, ginagamit na niya ‘yung impluwensiya ng kaniyang opisina para baluktutin ang kailangan baluktutin para magawa at makamit ang kagus­tuhan niya,” aniya.

PH NASA ILALIM NG DIKTADURA — SOLON

NASA ilalim na ng dik-t­adura ang bansa.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, sa paglabas ng warrant of arrest laban kay Sen. Trillanes, natanggal na ang pagkukunwari ng administrasyong Duterte na tayo ay nasa demok­rasya pa.

“Tayo po ay sa isa nang diktadurang (bansa) ngayon,” ani Alejano.

Ang paglabas aniya ng warrant of arrest kay Senator Trillanes base sa Proclamation No. 572 ay pagyurak sa kabuuan ng sistema ng hudikatura sa bansa.

“Humantong na tayo sa punto na mismong mga korte natin ay nagi­ging kasangkapan ng administrasyong Duterte upang gipitin ang mga kalaban sa politika,” giit ni Alejano. Malinaw, ani­ya, may bumigay sa pa­mi­milit mula sa admi­nistrasyong Duterte.

Giit ni Alejano, wa­lang matibay na legal na basehan ang pagpa­pawa­lang-bisa ng amnestiya ni Sen. Trillanes.

“Para makapaglabas ng warrant of arrest, dapat ay may buhay na kaso. Bago mabuhay ang mga kaso ay dapat mag­ka­roon muna ng pinal na desisyon na walang bisa ang amnestiya ni Sen. Trillanes. Napakahirap intindihin kung paano ito mangyayari sa kasong matagal nang patay,” pahayag ni Alejano.

Aniya ang nakikita ngayon ay hindi pagpa­patupad ng batas kundi pagbali ng batas.

Dagdag niya, gina­gamit ng administ­ras-yong Duterte ang kani­lang kapangyarihan at mga ahensiya ng gob­yerno para patahimikin ang oposisyon.

“Kung nagagawa nila ito kay Sen. Trillanes, maaari na rin nila itong gawin sa kahit kanino na magpapahayag ng opo­sisyon sa kasa­lukuyang administrasyon. Kung mga mambabatas nga ay kayang-kayang gipitin, mas lalo na ang mga ordinaryong Filipino na naghahanap ng hustisya sa mga pang-aabuso ng administrasyong Duter­te,” mariing pahayag ni Alejano.

(GERRY BALDO)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *