Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Gabby, umaasa pa ring matutuloy ang movie nila ni Sharon

MAPANGGULAT na pala ngayon itong si Gabby Concepcion.

Kundi pa dahil sa promo interviews sa kanya para sa partisipasyon n’ya sa Gabay Guro project ng PLDT-Smart ‘di mapapabalitang may ginagawa pala silang pelikula ni Jodi Sta. Maria na posibleng maging entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

Nakagugulat ‘yon, ‘di ba?

Man and Wife ang titulo ng pelikula, at baka nga mapasali ito sa MMFF 2018 dahil ang prestigious na direktor na si Laurice Guillen ang namamahala sa pelikula.

Hindi nabanggit sa interbyu sa ex-husband ni Sharon Cuneta kung ano ang istorya ng Man and Wife at kung sino-sino pa ang artista roon.

Ang nabanggit ay ang ‘di naman n’ya tahasang pagtanggi sa inasahan ng Megastar na reunion film nila pagkatapos ng pinagka­guluhang special Valentine commercial nila para sa MacDonald nitong nakaraang February.

Umasa ang Megastar na makagagawa sila ng pelikula sa Star Cinema pero ‘di sumipot si Gabby o kung sino mang manager n’ya o business representative n’ya. Si Sharon lang ang post nang post sa Instagram n’ya tungkol sa scheduled meetings nila with Star Cinema executives.

Walang lumabas ni isang Instagram post mula kay Gabby tungkol sa mga meeting na ‘yon.

Pero biglang may tsika nga siya tungkol doon. Nakagugulat na pahayag ni Gabby, “Timing is everything… I never said no to the project. There are many factors to consider. I hope we can make the movie happen. We have been waiting for that.”

Inamin naman ng ama ni KC Concepcion na, “We don’t talk right now, but we will be once we get things together. I’d like to do that movie. There’s a possibility that it will happen. May bukas pa…”

Umaasa pa pala siya!

Pero alam n’yo na sigurong ang ipino-promote na ni Sharon on her own ay ang balik-tambalan nila ni Richard Gomez. Sa latest chika ni Sha, kasama nila sa pelikula si Kathryn Bernardo.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas


Joel Lamangan, aarte sa entablado
Joel Lamangan, aarte sa entablado
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …