MAY bagong endorsement ang dating Bokal ng Laguna at dati ring singer at artistang si Angelica Jones.
Ito ay ang NEXTGEN na isang multi-level company na ang pinaka-produkto ay mga organic na inihahatid ng mga magsasaka sa ating hapag-kainan.
Ang NEXTGEN Global alliance Corporation ay pinamumunuan ni Reynante C. Lascoña na nakabase sa Davao.
Sa pagdiriwang ng kanilang ikatlong anibersaryo na idinaos sa PICC, ibinahagi nina Reynante at Angelica ang mission/vision ng kompanya na libk-libo na ang miyembro sa buong Pilipinas.
“Si Mama ko nga ang unang nakagamit ng mga organic product ng NEXTGEN. ‘Yun mahilig maghalaman, magluto, at basta para sa health talagang ginagamit niya. Kaya noong mag-meet kami ni Sir Rey in an event, nabanggit niya sa akin ito. At naniniwala naman ako sa gustong palaganapin ng Organic Revolution.”
Abala rin si Angelica sa opisina ni Senator Manny Pacquiao as one of Pacman’s consultants kaya nag-oopisina siya during the weekdays doon.
Iniwanan na ba niya ng tuluyan ang showbiz?
“Hindi naman. Kaya lang kung may taping sa weekend ko lang magagawa. Kasi, mahirap mag-absent sa trabaho ko.”
May lovelife ang Miss Flawless.
“One year and four months na. Bokal siya (Jojo Matias) sa 3rd district ng Nueva Ecija. Boto sa kanya si Mommy. At close rin siya sa anak kong si Angelo (6 years old). Buntis pa lang ako sa anak ko, iniwan na kami ng tatay niya kaya wala siyang father figure. Sabi ko naman sa kanya na magdasal lang siya. Kung ibibigay ni God, darating na lang.”
Babalik ba siya sa politika?
“Hindi na muna siguro. Okay naman ako sa trabaho ko kay Senator Manny. At saka nasa politika na si Jojo. So, susuporta na lang ako. Kasal? Hindi pa namin napag-uusapan. Dati siyang Pastor. Kaya bumait ako sa kanya. At malaki at marami na talaga ang nagbago sa akin. Comedian pa rin naman ako pero ‘di na gaya ng dati. Kaya gusto ko rin kung babalik ako sa pag-arte ‘yung seryoso na. Ang importante sa akin ngayon eh, ‘yung peace of mind.”
Natutuwa lang si Angelica sa magandang adbokasiya ng NEXTGEN kaya gusto niyang mapalaganap pa ito sa mas marami pa nating kababayan.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo