Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Maine Mendoza
Coco Martin Maine Mendoza

Maine, inimbitahan ni Coco sa Ang Probinsyano

KUNG si Coco Martin ang masusunod, gusto nitong magkaroon ng special appearance si Maine Mendoza sa FPJ’s Ang Probinsyano para sa promotion ng kanilang Metro Manila Film Festival entry, ang Jak Em Popoy: Puliscredible na kasama si Vic Sotto.

Dapat sa aspetong promotion ng pelikula ay magkakatulungan sila kahit magkakaiba sila ng network na pinaglilingkuran.

Sa parte ni Coco, walang magiging problema kung makakapasok siya sa GMA 7 para sa promotion ng pelikula. Nakaplano na nga itong mag-guest sa Eat Bulaga at masaya sa nababalitaang isang pamilya talaga ang taga-Eat Bulaga, nagdadamayan.

“Sabi nga nila sa ‘Eat Bulaga,’ talagang pamilya, nakatutuwa. Kasi talagang wini-welcome nila ako. Ngayon naman, nakatutuwa dahil open na eh. Makikita na natin ang taga-GMA-7 na nagsu-shoot ng pelikula sa Star Cinema, gumagawa ng pelikula.

“Ang gusto ko lang ay magkatulungan tayo sa industriya. Kung paano pa tayo makagagawa ng magaganda pang pelikula.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …