SA kabilang banda, tuwang-tuwa naman siyang ibinalita na super hectic ang schedule ng kanyang panganay na anak na si Arjo.
Aniya, “Rati gusto ni Arjo na magkaroon ng movie kahit isa lang, ngayon ang dami-dami. Natataranta siya ngayon. Siya ngayon ang naloloko kasi hindi na niya matanggap lahat.
“Actually hindi yabang pero anim-pito tinanggihan niya, nakatutuwa kasi hindi naman dumating sa point ko na may offer sa akin na six movies sabay-sabay. Pero itong anak ko, may offer kaya nakatutuwa bilang nanay.
“Si Ria naman sunod-sunod din ang project, nakatutuwa sila. ‘Yung mga hindi ko naranasan, nararanasan ng mga anak ko. So okey na ako roon, masaya na ako room.
“Kaya nga ngayon ‘yung teleserye, pelikula masaya ako. Ako ‘yung wala pang ginagawa, kasi nag-decide ako magpahinga. Ang saya-saya ko.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio