Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beautefy by Beautederm sa Ali Mall
Beautefy by Beautederm sa Ali Mall

Sylvia at Carlo, nanguna sa opening ng BeauteDerm 41st branch sa Ali Mall

SOBRANG naging successful ang ginanap na opening ng 41st physical store ng Beautefy by Beautederm sa Ali Mall.

Dinumog ng mga tao ang Beautederm endorsers na sina Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Tonton Gutierrez, Shyr Valdez, Glydel Mercado, Alma Concepcion, Matt Evans, at ang social media influencer na si Darla Sauler. Sila’y tinilian at pinasalubungan ng masiga­bong palakpakan ng mga naroon, lalo na nang kumanta sina Carlo at Matt.

Nagkaroon muna ng meet and greet at program ang Beautederm ambassadors sa activity area ng Ali Mall bago nagtungo sa 2nd floor sa kiosk ng Beautefy by Beautederm para sa ribbon cutting at pormal na pagbubukas ng store.

Punong-puno ng tao ang pinagdausan ng event, mula basement hanggang 4th floor ng mall. Bahagi ng treat ang pagbibigay ng Beautederm babies ng sampler ng mga produkto nito, kaya talagang nag-enjoy ang lahat dahil nakapanood na sila ng libreng show ay nag-uwi pa sila ng beauty products.

Sa matagumpay na event ay sobrang happy ni Ms Rei Tan, presidente at CEO ng Beaute­derm at ng Ali Mall branch owner na si Ms. Maria de Jesus, na dating OFW sa Singapore bilang restaurant manager. After 10 years doon ay nagdesisyong bumalik sa Filipinas para tutukan na ang kanyang Beautederm business.

Nabanggit ni Ms. Rei na nagsimulang gamitin ni Ms. Maria ang BeauteDerm dahil marami siyang acne noon at nang malaki ang pagbabago sa loob ng isang buwan lang, agad niya itong inire­komenda sa mga kaibigan, hanggang naging word of mouth na nga ito sa Singapore at du­mami na nang husto ang resel­lers niya.

Ipinahayag naman ni Ms. Sylvia ang kasiyahan sa patuloy na paglago ng BeauteDerm. “Masaya ako at natutuwa sa rami ng tao ngayong hapon, and proud ako sa patuloy na pagdami ng mga branch ng BeauteDerm,” saad niya na siya mismo ay mayroong Skin and Beyond Clinic by Beautederm sa Butuan City, kasosyo ang anak na si Ria Atayde at ilang kaibigan.

Ayon naman kay Carlo, “Ang sarap ng pakiramdam na bilang ambassador ay nagiging bahagi ka ng success ng Beautederm. Siyempre ‘yung makita mo na napapasaya mo ang mga tao, talagang nakaka-overwhelmed.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Sen. Angara, isinusulong ang bill para sa tax incentives sa film at TV tourism
Sen. Angara, isinusulong ang bill para sa tax incentives sa film at TV tourism
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …