KOMPIRMADO ang balak ng mga kongresista na nasa likod ng mahigit P50 bilyong ‘insertion’ sa 2019 budget ng gobyerno na patalsikin si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kung siya at ang kanyang nga kaalyado ay hindi mananahimik sa naturang isyu.
Sinabi kahapon ng isang mataas na opisyal ng Kamara na dahil sa P50 bilyones na ‘insertion’ ay nagkaroon ng kilos ang mga galamay ng dating speaker na sibakin si Arroyo sa puwesto.
“Kahapon pa ‘yan. Unsanctioned ‘yung meeting ng appro (House Appropriations Committee). Mukhang may plano. Pero nabulilyaso,” ayon sa source ng Hataw.
Ang mga ‘insertion’ na ginawa umano sa panahon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ay nakaipit sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at nakalaan para sa mga distrito ng iilang ‘favored’ na kongresista.
Ayaw umano ni Arroyo nang ganito.
Kaugnay nito nagpahayag si Rep. Lord Allan Velasco na wala siyang kinalaman sa umano’y pagpatalsik kay Arroyo.
Pinalutang ang pangalan ni Velasco na papalit kay Arroyo.
“I categorically deny any involvement in any plans whatsoever to unseat the Speaker. This also happened before, during the time of the former Speaker, when my name was floated first as a contender for the speakership, or in the alternative, for the post of Majority Leader. As you can see, I didn’t aspire for such positions then, in the same way that I am not aspiring for the speakership now,” ani Velasco.
Nangako si Velasco na hindi siya kasama sa mga pagtatangkang patalsikin si Arroyo sabay ang panawagan na isantabi na ang “rumor-mongering.”
Ani Velasco, buo ang suporta nila para kay Arroyo at haharangin ang mga pagtatangkang guluhin mag pagkakabuo ng Kamara.
ni Gerry Baldo