Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi, takbuhan pa rin ng lahat ng mga taga-Batangas

THANKFUL si Ate Vi (Cong. Vilma Santos) na hindi naman masyado ang idinulot na pinsala ng bagyong Ompong sa Lipa. Kahit na nga sabihing Northern Luzon naman talaga ang sinasabing tatamaan ng bagyo, sa lawak ng radius niyon maging ang Batangas ay isinailalim sa typhoon signal. Natural kailangan din silang maghanda.

“Ang nagiging problema kung minsan, kahit hindi naman kabilang sa distrito ko sa Batangas, basta taga-Batangas hindi mo maaaring hindi asikasuhin eh. Ang tingin kasi nila, bilang dating gobernador ng Batangas katungkulan ko pa rin iyon. Hindi ko naman sila maaaring pabayaan.

“Sabihin na nating siguro nga sa mga ganyang sitwasyon, nasanay na silang sa akin tumatawag kaya kahit hindi naman ako ang governor, sa akin pa rin sila nagpaparating ng kanilang concerns. Okey lang naman iyon sa akin, in fact nagpapasalamat ako sa patuloy nilang pagtitiwala.

“Salamat na lang sa Diyos at wala namang masyadong pinsala. Naghahanda pa naman ang Lipa sa pagdating ng puso ni Santo Padre Pio rito sa amin. Tiyak maraming tao ang darating kaya kailangan handa rin kami sa bagay na iyan,” sabi pa ni Ate Vi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …