Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Snail White
Kris Aquino Snail White

Ineendosong produkto ni Kris, sold out agad

ILANG araw lang mataposilunsad ni Kris Aquino ang isa sa itinuturing niyang biggest project sa taong ito, ang produktong nagpapaganda sa kanyang kutis, ang Snail White, ibinalita nitong sold out na agad!

Sa post ni Kris sa kanyang social media account, nagpasalamat ito sa mga agad tumangkilik ng Snail White. Kinailangan ngang mag-stock agad dahil marami ang naghahanap ng produktong nakatutulong sa magandang glow ng skin ng Queen of Online World and Social Media.

Grabe talaga si Kris, mula noon hanggang ngayon, walang palya na kapag may inendosong produkto, nagkakaubusan.

Aniya, ”THANK YOU for the initial SOLD OUT interest in SNAIL WHITE. I’ve loved the Whipp Soap for more than 18 months- i honestly didn’t know it was meant to just be a facial wash, we’ve been using it from head to foot because i loved the mesh container & i made it like a loofah to actually scrub my whole body. And for as long as my allergies were under control- my skin really had a healthy, natural glow.  (when i edited i thought @beautymnl was clear, then at full screen my edited version didn’t have it clearly- we restock Saturday, Philippine time. Watson’s will have in NCR by September 21, 2018 & @lazadaph will have Snail White on September 24, 2018.)”

Giit ni Kris, hindi agad-agad siya nagtitiwala sa produktong hindi niya muna sinubukan. At sa Snail White, mahigit isang taon na pala niya itong ginagamit. Kaya alam n’yo na kung ano ang sikreto ng malasutlang kutis ni Tetay.

Hanggang ngayo’y ine-enjoy ni Kris ang kanyang wellness vacation sa ibang bansa kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby. Madalang na rin ang pagpo-post niya sa social media siguro’y para i-enjoy na rin ang pagsasama-sama nilang mag-iina.

Ayon sa isa sa close kay Kris, nakaganda ang bakasyon nito sa ibang bansa dahil gumanda ang pakiramdam nito. Ang pasaway na blood pressure ay umayos na masasabing nakapahinga siya nang husto.

Sa post pa ni Kris, sinabi nitong may pinagha­handaan siyang malaking project ngayong last quarter ng 2018 kaya kinailangan niya ang quiet time para sa physical at emotional health niya.

Aniya, ”i promised myself- i would only invest in & give my name to products i haven’t only tried BUT wholeheartedly believe in & consistently use… i am too transparent & brutally frank to pretend. (Millennials- i love you- you replaced “tactless” w/ authenticity, and you made my life so much more pleasant.ýÿýÿ>Ø)Ý) my sons & i have a few more nights in our happy place- sorry, i really needed quiet time for my physical & emotional health, because my 2018 Q4 will be super packed..”

Ang tanong ng marami, ano kaya iyong malaking announcement ni Kris sa kanyang pagbabalik-‘Pinas?

Isang TV project na kaya ito? O isang malaking movie project uli? O endorsement?

‘Yan ang ating aabangan sa kanyang pagbabalik.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …