SAMANTALA, sa pelikulang The Hopeful Romantic, unang beses ni Pepe na maging bida at leading man ni Ritz Azul.
Kuwento ni Benny sa karakter niya, “masarap din po palang magpanggap na Richie- rich sa pelikula.”
“O ‘di ba, nakakayaman ‘yung sa Manila Hotel, sa Macarthur Suite kami, second expensive suite in the Manila Hotel,” saad naman ni Ritz.
Walang nobya at nanatiling virgin ang drama ni Pepe na isang valet parking attendant sa Manila Hotel na unang nakita si Ritz as Veronica na talagang umikot ang mga mata ng binata dahil sa angking ganda’t alindog ng dalaga.
Pero ang hindi alam ni Jess (Pepe) ay mahilig magpabili si Veronica (Ritz) ng kung ano-ano, sa madaling salita ay goldigger.
Eh, dahil hindi naman kaguwapuhan ang karakter ni Jess kaya nang makasama niya ng isang gabi si Veronica sa Macarthur suite ng Manila Hotel ay talagang inisip niyang siya na ang babaeng pakakasalan niya dahil naisuko na nito ang kanyang pagkalalaki.
Nakaaaliw ang trailer ng The Hopeful Romantic at sa katunayan sa loob lang ng isang linggo ay umabot na sa mahigit 9-M views at kulang 100 shares na.
Sabi nga ni Pepe, “Stay hopeful lang parati and faithful na magiging maganda (result sa box-office). Kasi so far po thankful kami sa magandang response sa trailer palang at ma-carry over po ‘yun sa full length film.”
Hindi naman itinangging pressured si Pepe sa pelikula dahil sa kanya nakasalalay ito, “feeling ko po kasi ang pressure ay normal part of life kung kaya nating tawanan na lang, eh, ‘di tawanan na lang. Yes, it’s pressured and I feel it and we’re saying ‘hi’ to it.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan