WALANG epekto sa relasyon ng Filipinas at ng ibang bansa ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa 2-5 Setyembre.
Ito ang tiniyak ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella sa pre-departure briefing sa Palasyo kahapon.
Batid aniya ng Filipinas ang sentemyento ng Arab countries na hindi kinikilala bilang isang hiwalay na estado ang Israel.
Ayon kay Abella, nakamit na ng mga bansa ang “stage of maturity.”
Napatunayan na rin aniya ng Pangulo na posibleng maisulong ang isang independent foreign policy nang hindi nasisira ang relasyon sa ibang bansa.
Naniniwala si Abella naayos na rin ng Pangulo ang kanyang kontrobersiyal na pahayag noon nang sabihin na masaya siya na patayin ang may tatlong milyong drug addicts sa bansa gaya ng pagpatay noon ni Adolf Hitler sa mga Hudyo o Holocaust noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
(Rose NOVENARIO)