Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P6.8-B shabu sa magnetic lifters positibo

TALIWAS sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang basehan ang sinabing shabu ang laman ng apat na magnetic lifters na namataan sa Cavite, nanindigan si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na shabu nga ang laman nito.

Ani Aquino, sa pag­dinig ng House Commit­tee on Dangerous Drugs, ang mga kagamitan na huli sa General Mariano Alvarez sa Cavite ay nag­kalaman ng hindi kuku­langin sa P6.8-bilyong shabu.

Giit ni Aquino, hindi nangangahulugan na pag negative ang swab tests sa dalawang magnetic lifters na ginawa noong Miyerkoles sa Bureau of Cus­toms, wala nang ilegal na droga roon.

“It doesn’t mean ‘pag negative, walang drugs,” pahayag ni Aquino sa harap ng nga miyembro ng Dangerous Drugs committee na pina­mu­mu­nuan ni Surigao del Sur Rep Robert Ace Bar­bers.

Nauna nang nahuli ng BoC ang 355 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P4.3 bilyon sa loob ng dalawang magnetic lifters sa Manila International Container Port.

Nanindigan si Aquino na mapagkakatiwalaan ang kanilang “drugs-snif­fing dogs” na nagtatra­baho ng mainam para maghanap ng mga ilegal na droga.

Nauna nang sinabi ni Duterte na “pure specula­tion” ang pahayag ng PDEA na P6.8 bilyong shabu ang nakalusot sa pamamagitan ng mga magnetic lifters.

Ang apat na magnetic lifters ay namataan ng PDEA sa isang warehouse noong 9 Agosto sa GMA, Cavite.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …