Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, pinaninindigan: Ayoko! Hindi ako tatakbo!

HINDI tatakbo sa darating na eleksiyon si Ogie Alcasid.

Noon pa may bulong-bulungan na kakandidato si Ogie pero pinabulaanan ito ng singer/songwriter.

“Ayoko, ayoko.”

Nagsasalita ng tapos si Ogie, hindi siya papasok sa politika.

Ito ay sa kabila ng katotohanang maraming nag-aalok at kumukumbinsi sa kanyang maging isang public servant.

“Marami.

“Iba-iba [na posisyon], basta sa Batangas, Congress… mayroon nga Senator, eh!”

Tubong Batangas ang pamilyang Alcasid.

Bakit ayaw ni Ogie na tumakbo?

“Mas masaya ako rito e,” ang tumatawang pagtukoy ni Ogie sa career niya bilang singer-songwriter.

“I’d rather be a singer, an actor, than (be a public servant).

“Eh nagawa ko na ‘yun, eh, ‘di ba? When I served a little bit under Noynoy (former President Benigno “NoyNoy” Aquino III).

“Ng walang bayad, ha?

“Wala akong bayad.

“I was with the EDSA People Power Commission. Bale ang job ko every year, ako ang nagpe-prepare niyong concerts, niyong anniversary, ‘di ba?

“’Yun lang naman ‘yun.”

Hanggang doon lang, ayaw niyang i-next level?

“Hanggang ganoon lang.”

Ayaw niyang maging Senador?

“Ah, hindi… ayoko, ayoko.

“EH nakikita ko si Herbert, ni hindi ko nakakausap na, ‘di ba? Yung parang ang dami niyang…”

Kaibigan ni Ogie si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Wala bang politiko sa pamilya nina Ogie?

“Parang wala akong alam… parang dignitary, mga ganoon. Naging ambassador…”

Nagsasalita ng tapos si Ogie, hindi siya tatakbo.

“Ayoko talaga, ayoko. At saka ayaw ng asawa ko.

“Ayaw niya,” pagtukoy niya sa misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid.

Rated R
ni Rommel Gonzales


Kantang paborito ng mga bading
Kantang paborito ng mga bading
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …