Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Phillip Salvador and President Duterte
Phillip Salvador and President Duterte

Phillip Salvador, napahalakhak sa usaping comatose si Digong

BAGO pa man ang May 2016 elections at hanggang ngayon, nananatiling silent DDS (Diehard Duterte Supporter) si Phillip Salvador.

Tandang-tanda pa namin noong sinadya namin si Kuya Ipe sa Pandi, Bulacan. Kasagsagan ‘yon ng kanyang pangangampanya bilang kandidato sa pagka-Bise Gobernador.

Todo-puri siya noon sa kanyang minamanok na si Digong Duterte, kesehodang iba naman ang dinadalang presidential candidate ng kinabibilangan niyang partido.

Hindi man pinalad si Kuya Ipe ay markado pa rin ang kanyang pagiging DDS.

In fact, sa balita kamakailan, na-comatose umano ang Pangulo ayon sa ikinalat ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison at natawa lang ang mahusay na aktor.

Sa mga sumusubaybay sa kanyang showbiz career, tiyak na nakatatak na sa mga isipan nito ang mga makabuluhang pelikulang tinampukan niya.

Kilalang isang Lino Brocka (SLN) baby si Kuya Ipe. No wonder, tugma rin ang kanilang mga kaisipan at prinsipyo pagdating sa mga pangyayari at suliranin sa ating bayan.

Sinong hindi makalilimot sa mga pinagbidahang pelikula ni Kuya Ipe tulad ng mga exploits nina Ka Hector, Kumander Balweg at mismong lider ng armadong grupo ni Sison na si Bernabe Buscayno alyas Kumander Dante?

Nakuhang i-transcend ni Kuya Ipe ang mgs klasikong ‘yon sa aktuwal na pakikipagkaibigan sa mga makakaliwa. Hindi na kami magtataka kung hanggang ngayo’y maalab pa rin ang ipinunla niyang friendship sa mga ito.

Tiyak ding updated ang aktor sa mga kaganapan sa hanay ng mga separatist group na ito, na nauunawaaan din niya kung anuman ang kanilang ipinaglalaban.

Having the best of both worlds, ‘ika nga, si Kuya Ipe—common sense na lang—pa ba ang mapag-iiwanan ng mga balita?

Maaaring matulog si Kuya Ipe sa casino (sa VIP suite naman sa itaas), pero malabong maghikab man lang siya sa pancitan nang hindi niya naaamoy ang nagaganap lalong-lalo na sa administrasyong sinusuportahan niya.

Comatose nga ba si Digong? Ang seryoso’t malalim na actor ay napabunghalit na lang ng tawa.

“Ha? Ha! Ha! Ha!” ang makahulugan pero mapang-insultong reaksiyon daw ni Phillip.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …