MALAKI ang maitutulong ng Israel sa Filipinas sa paglaban sa terorismo.
Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa benepisyong makukuha nang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa susunod na buwan.
Paliwanag ni Go, may anti-terror capabilities ang Israel na maaaring ibahagi sa Filipinas na makatutulong sa pagsugpo ng pamahalaan sa matagal nang problema ng terorismo sa ilang bahagi ng Mindanao.
Isa aniya ito sa mga posibleng mapagkasunduan o mapag-usapan sa pagkikita nina Pangulong Duterte at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Nakatakdang lumipad si Pangulong Duterte sa Israel sa 3 Setyembre bilang pagtugon sa imbitasyon ni Prime Minister Netanyahu at bibisitahin din ni Pangulog Duterte ang Filipino community sa Israel.
ni ROSE NOVENARIO