Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eat Bulaga Tito Vic Joey

Eat Bulaga nagbalik-tanaw sa ika-39 taon sa local TV Selebrasyon ng anibersaryo Non-stop ang sorpresa

READ: Alaga ni Ronnie Cabreros na si Christian Gio, pasok na rin sa indie movie
READ: Miss Granny Movie ni Sarah Geronimo, amoy na amoy na magiging blockbuster

Sa loob ng halos apat dekada, tinupad ng TVJ at ng co-host ng Eat Bulaga ang pangakong pagbi­bigay ng ‘isang libo’t isang tuwa’ sa mga manonood sa pamamagitan nang mahigit 300 segment na pawang pumatok nang umere sa loob ng 39 taon.

Kabilang ang mga well-loved segments na “Pinoy Henyo,” “Su­per Sireyna,” “Bula­gaan,” at “Juan For All, All For Juan,” na hang­gang ngayon ay tinatangkilik ng Dabarkads view­ers.

Ayon kay VP for Creatives and Operations na si Ms. Jenny Ferre, mahigit 20 taon nang parte ng pangtanghaling programa, walang pattern o secret formula ang Eat Bulaga. Para kay Jenny, ang success ay nagmumula sa pagmamahal sa trabaho at ang patuloy na pag-evolve ng grupo.

“‘Pag mahal mo ang ginagawa mo, mahal mo ang mga taong kasama mo at mahal mo ang industriya na ginagalawan mo, success will follow. Napakalaking pasasalamat namin kasi hindi araw-araw ay nakapagpapatawa ng tao o nakatutulong na mabago ang buhay ng isang indibidwal,” sabi pa niya.

“Maliit lang ang grupo namin pero nandoon ang respeto sa isa’t isa. Nakikita namin ang Eat Bulaga bilang extension ng mga bahay namin. Katulad ng isang pamilya, dumaraan din sa mga pagsubok pero isa kami sa lalaban, ‘yan ang kultura namin dito,” dagdag ni Ms. Ferre.

At bukod sa pagiging leader sa nasabing format at timeslot, unti-unti na rin pinapasok ng Bulaga ang mundo ng Internet. Sa ngayon ay maa-access ng netizen ang mga episode sa Eat Bulaga Youtube channel at mapapanood na rin ng mga overseas viewer ang programa via live streaming.

Nagsimula na rin mag-produce ang Eat Bulaga ng content na exclusive para sa kanilang online platforms. Isa na nga rito ang “Eat Bulaga Behind The Scenes” na ang mapapanood ay miyembro ng production team ang isa sa mga host ng show.

Para sa kanilang nalalapit na 40th anniver­sary, pagbabahagi ni Ferre, four times ang fun, laughter at entertainment para sa loyal Dabarkads.

Ipagpapatuloy rin nila ang pagbibigay serbisyo sa bawat Filipino sa pamamagitan ng kanilang EB Best at Sugod Bahay sa Barangay. Huwag kalilimutang subaybayan ang year-long cele­bration ng Eat Bulaga, araw-araw ‘yan sa GMA7.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …