Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ang dating Senador Ninoy Aquino at Bimby

Bimby, mas kamukha ni dating Sen. Ninoy

READ: Korean version ng Miss Granny, nahigitan ni Direk Joyce  

SI Senator Benigno Aquino Jr, pala ang kamukha ni James Aquino Yap o Bimby base na rin sa ipinost ni Kris Aquino sa kanyang IG account nitong Lunes, bandang 3:00 p.m. na ibinigay ng kaibigan niya.

Kahapon, Agosto 21 ang ika-35th death anniversary ng tatay ni Kris na lolo naman nina Joshua at Bimb.

Post ni Kris, “A friend sent this restored picture of my Dad & said: “hawig pala talaga sila ni Bimb.” I put a “sepia” effect on 2 of Bimb’s recent pics & when I showed Bimb he pointed out what he saw, “mama, lolo & I have the same smile, same hair, and same chin.” I said “actually you have the same glow in your eyes.”

Oo nga, parang pinagbiyak na bunga sina Senator Ninoy at Bimby. Inakala namin noong una na ang tatay ng bagets na si James Yap ang kamukha, hindi pala at mas sa Aquino side.

Nag-post din ng collage picture si Kris habang karga siya ng tatay Ninoy niya, “A friend made this for me. Dad holding me when I was a baby.

“These 2 pictures have deep significance for me- they were my dad’s last senatorial campaign calendar photos before Martial Law was declared even as a baby, I knew how to be “cute” for the camera.

“35 years after his assassination: Maraming salamat po sa lahat ng mga Filipino na patuloy binibigyan ng respeto at pagmamahal ang sakripisyong inalay ni Ninoy Aquino para sa demokrasya ng ating mahal na bayan.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …