Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria, natomboy kay Jericho; Arjo, hilong talilong sa pelikula at teleserye

READ: Joshua at Bimby, ‘santambak na bulaklak ang iniregalo kay Mother Lily

KAYA pala boyish looking si Ria Atayde kasama si Jericho Rosales sa teleseryeng Halik na umeere ngayon ay dahil gagampanan niya ang karakter na inhinyero.

Marami rin kasi ang nagtanong sa amin kung anong papel ng dalaga sa Halik at kung bakit naka-ripped jeans siya at pawang lalaki ang kasama sa nakitang pictorial? Lesbian daw ba ang karakter ni Ria?

Ang sagot ng aktres, ”Boyish cause I’m an engineer there.”

Wala pang detalyeng ibinigay masyado si Ria dahil kasalukuyan palang siyang nagte-taping ngayon ng Halik dahil kararating lang niya mula sa Hongkong kasama si Enchong Dee na sumabak sila sa reality show na Extreme Ends, produced ng parent company ng KIX, ang Celestial Tiger Entertainment suportado ng Hong Kong Tourism Board at Harbour City.

Kung dati-rati ay mabilis sumagot sa mga text namin si Ria ngayon ay hindi na at humihingi naman siya ng dispensa, ”Tita sorry, been so busy,” dahil bukod sa Halik ay may online show pa siyang itine-tape sa ABS-CBN at may mga mall show pa.

Hindi namin alam kung nagsimula na siyang mag-shoot ng pelikulang Girl in the Orange Dress produced ng Quantum Films kasama sina Jericho at Jessy Mendiola.

Biro nga ng mama Sylvia Sanchez nina Ria at Arjo, ”pahinga ako ngayon, ang mga anak ko ang nagtatrabaho, ha, ha, ha.”

Oo nga, si Arjo naman ay hilong talilong din ngayon dahil pagkatapos ng magagandang reviews na narinig niya sa magandang papel niya sa Buy Bust ni Anne Curtis ay ratsada na siya sa taping ng teleseryeng The General’s Daughter kasama sina Angel Locsin, Maricel Soriano, Ryza Cenon at marami pang iba mula sa Dreamscape Entertainment, may sisimulang pelikula sa Star Cinema at Regal Entertainment at isa pang indie film.

May alok din ang Viva Films kay Arjo pero hindi na niya kakayanin kaya sa 2019 na niya ito sisimulan.

Dagdag pa ni Ibyang, ”nakatutuwa na parehong busy ang mga anak ko.”

Going back to Ria ay overworked pala ang dahilan para magbawas siya ng timbang dahil as of now ay talagang slim na siya.

Aba’y kung hindi kompleto ang tulog at laging on the go, eh, paanong hindi papayat bukod pa sa nagda-diet pa ang aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …