Wednesday , December 8 2021

Joshua at Bimby, ‘santambak na bulaklak ang iniregalo kay Mother Lily

READ: Ria, natomboy kay Jericho; Arjo, hilong talilong sa pelikula at teleserye

HINDI nakarating si Kris Aquino sa 80th birthday celebration ni Mother Lily Yu Monteverde nitong Linggo, Agosto 19 na ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria kaya ang nag-represent sa kanya ay ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby kasama ang tito Noynoy Aquino at tita Ballsy Aquino-Cruz.

Mother Lily Monteverde, dating Pangulong Noynoy Aquino, Bimby at Joshua

Dumalo talaga ang ate at kuya ni Kris bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa Regal Matriarch na nagbukas ng showbiz career para sa bunso nila.

Post nga ni Kris tungkol kay Mother Lily, ”She OPENED the first door for me to act on TV, and the first door for me to star in a movie. Only respect & admiration for a genuinely loving & sincere woman of courage, integrity, and loyalty. Happy 80th birthday to @motherlilym!”

Samantala, hula namin ay nasa mahigit sa 12 dozens of roses na kulay pula, pink, at dilaw ang regalo ng magkapatid na Joshua at Bimby kay Mother Lily bukod pa sa mga balloon na ibat’ ibang hugis kaparehong kulay din ng mga bulaklak.

Base sa IG post ni Kris, ”My sons, together w/ my Ate (their favorite tita ballsy) & their beloved tito Noy represented our family to personally greet Mother Lily tonight during her 80th birthday celebration.

“I’m obeying my doctor & taking my bed rest because of my allergies & our belated discovery that like Bimb, I’m also asthmatic. Sobrang laki ng tinatanaw naming utang na loob kay Mother Lily and I was so happy seeing her looking so radiant & beautiful. Happy birthday @motherlilym.

“We love you very much (bashers & trolls for sure may masasabi na naman kayo BUT at this point super care bears na talaga ko because seeing my 2 sons growing up to be so loving, responsible & respectful fills my heart w/ so much gratitude.) (Song credit Wind Beneath my Wings by Gail Blanco from my Universal Records album Love and Inspiration).”

Masayang sinalubong naman ni Mother Lily ang mga Aquino at natuwa siya sa mga anak ni Kris.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ping Lacson Caleb Jiro Iwa Moto

Sen Ping Lacson pinaglihian ni Iwa?

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio PINAGLIHIAN kaya ni Iwa Moto, asawa ni Pampi Lacson ang biyenan niyang si Sen. …

Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALKni Pilar Mateo  “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang …

Gabbi Garcia, Khalil Ramos

Khalil at Gabbi sa Bora ang selebrasyon ng kaarawan

I-FLEXni Jun Nardo BORACAY ang destinasyon ng showbiz couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa 23rd birthday celebration …

Blind Item Corner

Matinee idol bargain na ang presyo

HATAWANni Ed de Leon  “BARGAIN na ngayon si matinee idol, P20K na lang siya. Kapresyo na …

Nora Aunor Comelec

Party list ni Nora binutata ng Comelec

HATAWANni Ed de Leon NAKASAMA ang party list ni Nora Aunor, iyong NORA A, sa listahan ng 127 party …

Leave a Reply