READ: ChaCha patay na — Pichay
NASA kama at hindi na-coma si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tugon ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Joma Sison na comatose si Pangulong Duterte mula noong Linggo ng gabi.
Ayon kay Go, nagpapahinga lang at hanggang alas-dos ng madaling-araw kahapon ay kausap pa niya ang Pangulo kaya maaaring nanaginip lang ang self-exiled communist leader.
“Nasa kama lang nag-rest, kausap ko pa 2:00 am kaninang madaling-araw si PRRD. Baka nanaginip lang si Joma then napalitan lang ni Joma ng letter C ang pangalan niya. Siya pala ‘yun,” text message ni Go sa mga mamamahayag sa Palas-yo kahapon ng umaga.
Sa kanyang panig, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malusog ang Pangulo at sa katunayan ay nakatakdang humarap sa publiko ngayon para sa okasyon ng League of Cities sa Cebu.
Pagbibigay diin ni Roque, isang rebolusyonaryo si Sison at hindi isang doktor. “I don’t see any reason why people — I don’t even understand why Joma Sison said he was in coma ‘no. He is in faraway Netherlands, how would he know?” ani Roque.
(ROSE NOVENARIO)