BIBIGYAN ng kahihiyan ng Palasyo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na hindi nila malilimutan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, gagawing roll call type ang paraan ng Palasyo sa pag-anunsiyo ng pangalan ng mga taong sangkot sa korupsiyon.
Mangyayari aniya ito sa mga isasagawa niyang press briefings sa Palasyo.
Ayon kay Roque, marami pa kasing mga opisyal ng gobyerno ang nakapilang sibakin sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi pa lamang maidetalye ni Roque kung sino-sino at anong uri ng pagkakasangkot sa katiwalian ang kinakaharap ng mga nasa listahan ng mga masisibak sa puwesto.
“Parang mas marami pa talaga siyang sisibakin, and await for further announcements, I guess. Tayo na ang magiging official sibak announcement bureau dito. So that will be now the new role of the Malacañang Press Corps – we will be the anti-graft dissemination corps. We will serve notice to everyone na itigil na iyang korupsiyon dahil kung hindi, babasahin ang pangalan nila rito at ire-report ng media ang kanilang mga pangalan,” aniya.
(ROSE NOVENARIO)