Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mocha, ‘di pa tapos sa ‘pepe-dede-ralismo’

READ: Rowell, absent sa mga bigating director ni Sharon

ANG ‘di kayang gawing pagsibak kay PCOO ASec Mocha Uson ng gobyerno—sa kabila ng kaliwa’t kanang panawagan bunsod ng kanyang pambababoy sa pederalismong isinusulong ng Duterte administration—ay bahagyang kinatigan ni PIA (Philippine Information Agency) Director General Harold Clavite.

Kung tutuusin, ang hinihingi ni Clavite na mag-sorry si Mocha sa sambayanang Filipino at mag-take muna ng leave of absence is half of the bargain.

Wala namang pagsibak na mangyayari sa ahensiyang pinamumunuan ni Secreratary Martin Andanar.

Bagama’t kalahati lang ito ng bargain, ‘ika nga, bilib kami kay Clavite sa kanyang pagtugon sa isinisigaw ng buong bayan.

Pero kung ang hitad ang tatanungin, hindi pa sapat ang online video na ‘yon kasabwat ang maangas na baklang blogger na si Drew Olivar (na mayaman daw at hindi mukhang pera, ows?).

Sa katunayan, may ilalabas pang ibang video si Mocha para ganap na maunawaan ni Juan de la Cruz kung ano talaga ang pederalismo.

Minsan nang nakatikim ang dating malaswang entertainer ng panlalait sa mga mambabatas. Hindi si Mocha ang maituturing na authority pagdating sa usapin. Short of saying na kulang ang kanyang kaalaman.

Ito’y produkto lang ng aming malikot na pag-iisip.

Baka ang mangyari’y magsaliksik o mag-research si Mocha sa kanyang mga susunod na video.

Mula sa Wiwi-kiki-pedia!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …