Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grade na A ng Bakwit Boys, may dahilan

READ: Joshua, sobrang kinikilig kay Alice 

MAY dahilan kung bakit binigyan ng Cinema Evaluation Board (CEB) ng Grade A ang pelikulang Bakwit Boys na napapanood na  sa pagsisimula ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino dahil inspirational ang kuwentong isinulat at idinirehe ni Jason Paul Laxamana mula sa T-Rex Entertainment.

Malinaw ang mensahe ng pelikula na huwag mawalan ng pag-asa habang may hininga ang bawat taong may pinagdaraanan sa buhay tulad ng kuwento ng magkakapatid na Ryle Santiago, Markie Empuerto, Vance Larena, at Nikko Natividad na mga biktima ng baha sa bayan nila sa Isabela at kinailangang mag-bakwit sa bahay ng lolo nila sa Pampanga kaya tinawag silang Bakwit Boys.

Mahirap ang buhay ng lolo nila kaya kailangang tumulong ng magkakapatid at dahil may mga angking talino sa musika, dalawa ang kumakanta (Vance at Mackie), isang tumutugtog ng gitara (Ryle), at nagsusulat ng kanta (Nikko) kaya pawang OPM songs ang mga awiting narinig sa pelikula.

Libangan lang ng magkakapatid ang pagkanta at dahil may mga boses kaya naiimbitahan sila sa piyesta noong nasa Isabela pa sila.

Kaya naman nang marinig din ng lolo nila at Barangay Chairman sa Pampanga ang tinig ng Bakwit Boys ay pinakanta sila sa piyesta at binayaran lang ng P1,000. Pero ang maganda ay narinig sila ni Devon Seron na may koneksiyon sa kilalang DJ sa nasabing bayan.

Sa probinsiya ang location ng buong pelikula at bilang lumaki sa Maynila ay gustong-gusto namin ang buhay probinsiya dahil napaka-simple, masarap ang simoy ng hangin, ang ganda ng kapaligiran, puro puno at bagay ito sa walang skin allergy at walang masyadong stress.

Well, sa kuwento ng Bakwit Boys ay stress sila kasi naghahanap nga sila ng pagkakakitaan para ipadala sa magulang na iniwan nila sa Isabela.

Tulad ng kuwento ni direk Jason Paul noong hindi pa siya nagdidirehe ay tumutulong siya sa mga kababayan niya sa Pampanga na nagtayo ng banda na pawang OPM songs ang kinakanta na dinadala niya sa MYX at ina-upload sa Youtube para mapansin.

Gustong tulungan ni direk JP na pasiglahin ang OPM songs kaya rito nakasentro ang kuwento ng pelikulang isinulat niya.

Nakatutuwa si direk JP, kung tutuusin ay parehong probinsiya ang locations ng dalawang pelikula niyang kasama sa 2nd PPP, ang The Day After Valentines at Bakwit Boys, mas hamak na malaki ang gastos ng Viva Films dahil sa ibang bansa pa sila nag-shooting kung ikukompara sa nagastos ng T-Rex Entertainment.

General Patronage o GP ang ibinigay ng MTRCB sa Bakwit Boys kaya waging-wagi ito sa mga kabataang supporters ni Mackie na miyembro ng TNT Boys na napapanood sa Your Voice Sounds Familiar Kids 2018.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …