Thursday , December 26 2024

Gilas kontra Kazakhstan sa Asiad opener

TULOY na tuloy na ang paglalaro ng Filipino-American sensation na si Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas matapos basbasan ng National Basket­ball Association (NBA) kahapon.

Matatandaan noong naka­raang Linggo ay inianunsiyo ng NBA ang hindi pagpayag kay Clarkson na maglaro para sa Filipinas sa Asiad dahil hindi kasama sa kasunduan sa ilalim ng mga FIBA-sanctioned inter­national tournament lamang maaaring makapaglaro ang NBA players.

Ngunit kamakalawa, ina­min ni Philippines to the Asian Games chief of mission Richard Gomez na pumayag na ang NBA na siyang nakompirma kahapon ayon na rin sa Sama­hang Basketbol ng Pilipinas matapos ang personal na paki­usap ni President An Panlilio kay NBA Deputy Commis­sioner Mark Tatum.

“The NBA today announced that it has granted a special exception for NBA players to play in the 2018 Asian Games, permitting Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson, Hous­ton Rockets center Zhou Qi and Dallas Mavericks forward Ding Yanyuhang to present their respective countries in this year’s event,” anang NBA sa opisyal na pahayag.

Lumipad na agad mula Amerika si Jordan Clarkson upang samahan ang pamban­sang koponan na nasa Jakarta, Indonesia na.

Ngunit dahil walang direk­tang flight mula sa Los Angeles, California patungo sa Jakarta ay dadaaan pa sa Singapore si Clark­son na magpapatagal ng kanyang biyahe.

Hindi aabot si Clarkson sa unang laban ng Gilas ngayon kontra Kazakhstan na naka­takda sa 10:00 ng umaga.

Gayonman, siguradong mahaba ang pahinga ng 6-foot-5 Cavaliers guard na si Clarkson para sa krusyal na banggaan ng Gilas kontra sa China sa 21 Agosto.

Habang hindi muna maka­lalaro si Clarkson sa unang salang nila, pansamantalang sasandal si national team head coach Yeng Guiao sa kanyang 11 manlalaro na sina James Yap, Chris Tiu, Maverick Ahanmisi, Gabe Norwood, Beau Belga, Raymond Almazan, Stanley Pringle, Paul Lee, JP Erram, Christian Standhardinger at Asi Taulava.

Nasa Group D kasama ang Kazakhstan at China, kina­kailangan manalo ng Filipinas kontra sa Kazakhstan upang makasiguro agad ng upuan sa second round dahil tanging dalawang koponan lang ang papasok sa kada grupo.

Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na makapag­lalaro si Clarkson para sa Fili­pinas matapos ang makailang ulit na pagtatangkang isali siya sa mga FIBA-sanctioned tour­naments.

Huling nakasama ni Clark­son ang pambansang koponan sa pagsasanay nila bago ang 2015 FIBA Asia Champion­ship.

Sa katunayan, sumama pa nga si Clarkson sa kampanya ng Gilas sa 2015 Jones Cup at nagpakita ng suporta mula sa bench kahit hindi nakapaglaro.

Labis ang pasasalaamat ni Clarkson sa pagtupad niya ngayon ng pangarap na maka­pagsuot ng ‘Pilipinas’ jersey.

“Puso! My heart is full of gratitude for everyone who helped make this happen. See you all very soon!” ani Clarkson sa kanyang opisyal na social media account.

May misyon sina Clarkson at ang iba pang Gilas Pilipinas na malagpasan ang ikapitong puwestong pagtatapos ng bansa noong 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *