IBINASURA ng Nueva Ecija court ang kasong murder laban sa makakaliwang mga dating mambabatas bunsod ng kawalan ng probable cause, ayon sa kanilang abogado nitong Lunes.
Sinabi ni Atty. Rachel Pastores, idinismis ng Palayan Regional Trial Court ang mga kaso laban kina dating Gabriela Women’s Party Representative at ngayon ay National Anti-Poverty Commission lead convenor Liza Maza, dating Anakpawis Representative at dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, at dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño.
Nag-isyu ang Regional Trial Court noong 11 Hulyo ng warrant of arrest laban sa mga nabanggit bunsod ng umano’y pagpatay sa mga supporter ng rival party-list group, Akbayan.
Umabot ang kaso sa High Tribunal makaraan kuwestiyonin ng mga akusado ang desisyon ng Palayan Nueva Ecija Regional Trial Court.
Samantala, inilinaw ng Malacañang na walang kinalaman ang administrasyong Duterte sa pag-iisyu ng arrest warrant laban sa nasabing leftists.