Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tito Sotto
Tito Sotto

Sotto, bitbit ang pagiging komedyante hanggang sa pagiging senate president

NITONG mga nakalipas na araw ay binatikos ng bonggang-bongga si House Speaker Tito Sotto sa pagtalakay sa Safe Spaces Law sa Senado particularly his stand sa “panghihipo.”

Aniya, wala namang masama roon kung biro lang. Inalmahan siyempre ‘yon ng maraming female netizens.

Huwag sanang ma-misinterpret ng mga mambabasa naming babae ang aming paksa. Hindi kami isang misogynist o woman hater.

Bigla lang kasi naming naalala ang isang kuwento tungkol sa dating sexy actress na ito na nakaugalian nang manghipo.

In fairness to her, hindi naman niya ‘yon ginagawa sa kahit na sinong lalaki.

Once ay nakaharap niya ang matanda nang ama ng kanyang balaeng hilaw. Family affair ‘yon ng angkan na dinaluhan ng sexy actress.

Nang makalapit siya sa matanda ay sinabihan niya ito ng, “Tumitigas pa ba ‘yan?” sabay dinakma ang ari nito.

Napangiti na lang ang matanda. Marahil, sa loob-loob nito ay gusto niyang buweltahan ang aktres, ”Subukan mo kaya?”

Minsan na kaming naging saksi mismo sa panghihipo ng sexy actress na ‘yon. Pabiro rin ang tagpong ‘yon na katabi niya ang kanyang karelasyon pa noon.

Pasigaw na paanyaya ng sexy actress sa mga kalat na kalat na baklang katrabaho sa paligid, “Oy, mga bakla, parine kayo!” Nasa tabi niya ng mga sandaling ‘yon ang kanyang dyowa na sinisimulan na niyang hipuin ang ari.

Naintriga ang mga tinawag na bakla. Maya-maya, napalibutan na ang magdyowa ng sanrekwang bayot, nakaabang kung maghuhumindig ang ari ng boylet.

True enough lumalaki si Jun-Jun!

O, naloka kayo, ‘no?” humahagikhik na tanong ng sexy actress sa mga bayot.

Going back to Sotto, cute at hindi masasabing malaswa ang ginawa ng aktres. Baka ito ang halimbawang angkop sa sinabi niyang there’s nothing wrong with the act kung biro lang naman.

Gayunman, tayo’y nasa isang matriarchal society na mataas pa rin ang paggalang sa mga kababaihan.

Ang manghipo ng babae ke biro o hindi—sa ganang amin—ay paglabag pa rin sa kanyang karapatan.

Ang naturang pahayag o stand ay hindi namin inaasahan mula pa mandin sa isang House Speaker.

Okey lang basta biro, ‘ika niya. Hanggang sa pagiging Speaker ay bitbit pa rin ni Sotto ang komedyang nagpasikat sa kanya!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …