Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH dehado sa China — Cayetano

PATULOY na madede­hado ang sambayanang Filipino kung igigiit ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na siya muli ang maging negosyador sa “Joint Exploration and Development.”

Ipinahayag ni Foreign Secretary Alan Peter Ca­yetano kalihim sa kan­yang Facebook post kaug­nay ng hirit ni Trillanes..

Ayon kay Cayetano, noong pinagkatiwalan ni dating Pangulong Benig­no “Noynoy” Aquino si Trillanes bilang nego­syador, nagresulta ito sa paghulagpos ng kontrol ng Filipinas sa Scar­bo­rough Shoal o Panatag Shoal.

Sinabi ni Trillanes sa isang interbyu sa tele­bisyon, patuloy na ma­ngingibabaw ang China sa pinapalanong “Joint Exploration at Develop­ment” project sa West Philippine Sea dahil umano walang kapa­sidad lalo na sa tek­nolohiya ang mga Filipino na makilahok sa naturang proyekto.

Ngunit tiniyak ni Cayetano sa taong bayan na hindi papayag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa mga kasunduang hindi patas at hindi pabor sa sambayanang Filipino.

Malinaw, aniya, ang utos ng Pangulong Duter­te na protektahan at pa­ngalagaan ang bawat su­lok ng teritoryo ng bansa at mapakinabangan ng bawat Filipino ang ating “sovereign economic rights.

“Habang patuloy ang iyong pagsisinungaling, at pananabotahe sa kina­bukasan ng mga susunod na henerasyon, patuloy naman kaming mag­sa­sabi ng katotohanan at magtatrabaho para mag­ka­roon ng magan­dang kinabukasan ang mga Filipino” hirit ni Cayetano sa kanyang social media account patungkol kay Trillanes.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …