Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

4 tiklo sa buy-bust

ARESTADO ang apat hinihina­lang drug personalities sa isina­gawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, ka­ma­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, S/Insp. John David Chua, ang mga suspek na sina Jacinto Dionisio, 36; Felizardo Bautista, 42; at Richard Tolentino, at Noriel Figueroa, 38-anyos.

Sa imbestigasyon ni PO1 Donn Herrera, dakong 8:30 pm nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU ang buy-bust operation kontra kina Bautista at Dionisio sa A. Mabini St., Brgy. 5, Sangan­daan.

Nang iabot na ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa undercover police poseur buyer, kapalit ng P500 marked money ay agad dinakip sina Bautista at Dionisio habang nakuha sa kanila ang apat plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Dinakip din sina Tolentino at Figueroa nang makompiskahan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakompiska ng mga opera­tiba ang isang PUV Toyota Innova na may plakang NOS-243, na gamit ni Figueroa.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …