Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Pork release’ ni Suarez inilabas ng Kamara

READ: No zero budget tiniyak ni GMA: Lacson ‘nakaamoy’ ng ‘pork’

NAGULAT ang mga reporter sa Kamara kaha­pon nang maglabas ang Press and Public Affairs Bureau ng Kamara ng isang statement ng mga lider ng minorya.

Hindi pa umano ito nangyari sa mga nakali­pas na Kongreso.

“Unprecedented,” ang sabi ng isang reporter.

Nangyari ang insidente kahapon sa gitna ng kontrobersiya sa isyu ng “minority leader” na tinagurian ng opo­sisyon bilang minorya ng mayorya.

Ang statement ni Minority Leader Danilo Suarez na inilabas ng PRIB ay sagot sa banat ni Sen . Panfilo Lacson tungkol sa “pork barrel.”

Walang basehan ang paratang ni Lacson ani Suarez.

Ang statement ni Suarez: “The fears being raised by Senator Lacson are unfounded. We are always guided by the Supreme Court decision and we will make sure that we comply with the High Court’s ruling.”

Ayon naman kay Deputy Minority Leader Lito Atienza: “Sen. Lacson seems to know all kinds of pork. But pork is not bad except those full of cholesterol and those that went to the hands of Mrs. Na­poles…”

Wala naman, ani Atienza, na masama kung manghingi ang mga kongresista ng “equal development” para sa kanilang distrito. Tra­baho aniya nila ito.

Ang masama, ani Atienza, ang mga pondo sa panahon ni Janet Lim Napoles.

Si Lacson, aniya, ay puro “pork” ang iniisip.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …