READ: Kris, masayang nagbalik-‘Pinas, baon ang mga papuri ng mga kapwa Pinoy
ANG suwerte ni Jameson Blake bilang leading man ni Sue Ramirez sa Ang Babaeng Allergic sa Wifi na prodyus ng Cignal Entertainment, Octobertrain, at IdeaFirst na kasama sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood na sa Agosto 15 dahil nabigyan ng Graded A ang pelikula ng Cinema Evaluation Board (CEB) na ibig sabihin ay maganda ito at hindi the usual romantic comedy story.
“Hindi ‘yung the usual formula,” tipid na sabi sa amin ng nakatsikahang miyembro ng CEB.
Tinanong pa nga namin kung ano ang mas maganda, ang The Day After Valentines na nakakuha rin ng Graded A o itong Ang Babaeng Allergic sa Wifi?
“Magkaiba sila ng kuwento, pero parehong maganda,” sagot sa amin.
Kaya rin naming nasabing masuwerte si Jameson ay dahil kasama siya sa original cast at talagang maski kaliwa’t kanan ang ginagawa niyang project ay hindi niya binitiwan ang Babaeng Allergic sa Wifi dahil gustong-gusto niya ang kuwento nito.
Natanong si Jameson kung mabubuhay siya ng walang wifi since ito ang takbo ng kuwento ng pelikula.
“Yes po, mabubuhay naman ako ng walang wifi, I don’t think it’s necessarily. I mean it I would focus on the real world, be more to moment, socialize more para maiba naman,” say ng aktor.
Kung sakaling isang linggo lang mawala ang wifi dahil nagka-problema sa network.
“Siguro see my friends, magsulat ng poems or go hiking, most likely see my friends and hang out lang or maybe into sports,” sabi ni Jameson.
Kung sakaling may liligawang babae si Jameson ano ang mas preferred niya, “I’m really on a typical courtship like getting to know each other. I see a lot of people rush into relationship and then ‘yung outcome parang mabilis din ‘yung relationship. I think I take my time to know the girl longer, just natural lang.”
Posibleng magka-developan sina Jameson at Sue, “ay malabo po kasi magkaibigan kami,” hirit kaagad ng aktres at napangiti lang ang aktor.
Samantala, kamakailan ay naging laman ng balita si Jameson tungkol sa shout out niya na naghahanap siya ng graphic artist gamit ang social media na nauwi sa hindi magandang resulta na naging dahilan para i-bash siya ng todo.
“I’m okay now after what happened. It was just for a week. Normal naman ‘yun sa industry, ‘yung mga bashing.
“The only thing I can do is just keep silent and let it die out. Actually, ang ginawa ko, I deleted my social media for a week.
“So it’s kind of weird, kasi parang ‘yung character ko for this movie, hindi siya nagso-social media. Na-affect din ako. The first few days, at least, medyo I was feeling down.
“Ayokong lumabas. Nasa condo lang ako,” pagtatapat ng binata.
Nasabi pa ng binata na wala siyang masamang intension sa ipinost niya.
”I don’t have intention of downgrading anyone. I was just asking for a favor, so maybe they found it offensive. And siguro that’s just their perspective, that’s their opinion sa tweet ko.
“If they would just analyze clearly, wala naman akong bad intention sa tweet ko. Maybe they were just having a bad day or something,” paliwanag ng aktor.
Lesson learned kay Jameson ang nangyari, “It taught me a lesson kung paano i-handle ang ganoong situation, since I had a taste of bashing ng ibang tao. Ngayon, I’ll just be aware of what will I say.”
Ang Babaeng Allergic sa Wifi ay idinirehe ni Jun Robles Lana na mapapanood na sa Agosto 15.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan