Wednesday , December 18 2024

Anne Curtis, namalimos sa eroplano

WALANG takot at bahid ng pagkahiya na namalimos si Anne Curtis ng mga barya. May dala talaga siyang maliit na supot na katsa at lumapit sa mga tao at nanghingi ng mga barya.

Pero hindi sa kalye ginawa ni Anne ang panghihingi ng limos. At hindi ‘yon isang eksena sa isang pelikula na kasalukuyan n’yang ginagawa.

Sa loob ng isang eroplano ng Cebu Pacific Airways namalimos ng barya si Anne ilang araw lang ang nakararaan.

Pauwi siya mula sa Cagayan de Oro sa Mindanao. Ginawa n’ya ang panghihingi ng donasyon na iyon para sa UNICEF, isang ahensiya ng United Nations na isa siya sa fundraisers para sa kapakanan ng mga batang naghihikahos, apektado ng mga kalamidad o digmaan.

Nagpalitrato pa si Anne na naka-UNICEF T-shirt at may hawak na maliit na supot ng katsa at nakatayo sa pasilyo ng isang eroplano ng Cebu Pacific. Ipinost n’ya sa Instagram n’yang (@annecurtissmith) ang picture noong Lunes (July 2) bilang pasasalamat sa nalikom n’yang “loose changes” (mga barya).

Nakatatlong supot na barya si Anne.

Gayunman, may nam-bash pa rin sa kanya sa pagkakawanggawa n’ya.

Sabi ng isang  netizen na ang codename ay @pinaynailonggainny: “I was going to comment on here that how about Anne just give her own money to help UNICEF?

“Instead of going around collecting money from low income citizens? Tsk tsk… can’t help but think that these act of ‘kindness’ that celebrities do is all for publicity…”

Maayos naman na sumagot si Anne: “With all due respect madam, trust me, I do my own part and donate from my own pocket on many other occasions for UNICEF and for my foundation Dream Machine BUT for this specific project, the main goal is using where I am to INSPIRE others to do good and donate any loose change – ONLY IF THEY CAN.”

Idinagdag ni Anne na nakabisita siya sa Bobon, Northern Samar, at nakita n’ya kung paano nakinabang ang mga bata at mga ina sa mga gawain doon ng UNICEF.

Aniya: “So, yes I am, proud to be part of project that is making a difference in this world and will continue to use all my social media platforms to raise awareness and inspire others to make a difference in this world and help our fellow country men.

“At least may ginagawa kami. Hindi nganga and puro complaining on social media po. We are actually making a difference.”

Kapuri-puri si Anne!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *