Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

IG message ni Jodi, tunog mensahe kay Jolo

HUWEBES, June 28, ng 9:40 a.m., nag-post si Jodi Sta. Maria ng very touching message sa kanyang Instagram na @jodistamaria. Message n’ya ‘yon para sa fans n’ya at para sa madla na rin.

Pahayag ng bituin ng Sana Dalawa ang Puso”know that you are going to make it. God is arranging things in your favor right now. Let me remind you that He is never blind to your tears, never deaf to your prayers, and never silent to your pain. He sees, hears, and will deliver. Don’t lose hope.”

‘Di kaya para kay Jolo Revilla rin ‘yon na lately ay parang laging nagpaparamdam sa mga Instagram post n’ya na break na sila ng aktres?

Sa isang very recent interview ni Jolo with the famous Ricky Lo, sinabi ng actor-politician na “difficult” nga ang relasyon nila ngayon.

Dagdag pa n’ya: ”But I’m thankful kasi marami akong natutuhan sa relasyon namin. Anuman ang kinakaharap namin ngayon, I believe God has a plan for us.”

Parang ‘di na nag-uusap nang personal, o sa mobile phone man lang, ‘yung dalawa. Mukhang nagpaparamdam na lang sila sa isa’t isa sa Instagram posts nila para sa madla.

Samantala, ‘yung sinipi namin na Instagram message ni Jodi ay nakatanggap ng 1,247 LIKES sa loob ng 30 minuto pagka-post nito. Isa sa mga unang nag-LIKE ay si Robin Padila, isa sa dalawang leading men ni Jodi saSana Dalawa ang Puso, na dalawa ang role ng aktres. (DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …