Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinsan ni Kris na si China, nabagabag sa ‘pagbabanta’ ng netizen sa anak niya

KUNG ang pinroblema ni Kris Aquino kamakailan ay ang paghahambing ni Mocha Uson sa ama n’yang si Ninoy Aquino kay Pres. Rodrigo Duterte, ang pinsan naman n’yang TV host-chef na si China Cojuangco ay nabagabag nang husto sa masasamang biro ng isang netizen tungkol sa anak n’yang four years old na batang babae.

Mistulang pinagbantaan ng netizen na kidnapin at patayin ang bata (na ang ama ay ang pamosong chef na si Gene Gonzales).

Si China ay isa sa mga anak nina Jose “Peping” Cojuangco Jr. at Margarita “Tingting” delos Reyes Cojuangco. Si Peping ay kapatid ng yumaong Pres. Cory Aquino.(Naging pinuno ng Philippine Olympics Committee ang ama ni China).

Nag-post si China noong June 16 sa kanyang Instagram (@china_cojuangco) ng mensahe n’ya mismo para sa nasabing social media network company dahil parang binabalewala ng kompanya ang reklamo n’ya laban sa Instagram user na ang gamit na pangalan ay Angelie Arbuis (@angeliearbuis).

Isinama ni China sa kanyang mensahe ang nai-save n’yang screenshots ng pagpapalitan nila ni Arbuis ng mga mensahe.

Nagsimula ang lahat nang mag-post si China ng litrato niya. Nag-react si Arbuis at nag-post ng mensaheng: “Cute sarap isilid sa sako tapos tapon ilog makaganti naman sa cojuanco (sic). Just kidding love you I love your baby so adorable.”

Sa isa pang mensahe, misteryosong sinabi ni Arbuis na: “I love your dad because he is my favourite cojuanco (sic).”

Sa unang mensahe ni Arbuis, sumagot si China ng, “Sorry  ha, pero  offensive ‘yung message mo kahit sinubukan mong bawiin. Kung gusto mong makaganti sa COJUANGCO – huwag mong idamay anak ko.”

Arbuis has blocked China mula nang sumagot siya, kaya di n’ya maisuplong si Arbuis sa Instagram.

Ayon kay China, pati ang mga kaibigan n’ya ay nagpadala ng mensahe sa Instagram para disiplinahin si Arbuis. Pero pati umano ang mensahe ng mga kaibigan n’ya ay ‘di sina­got ng Instagram. Dahil doon ay si China na ang sumulat mismo sa Instagram.

Heto ang mensahe ni China:  “Dear Instagram, I would normally set aside comments that are abusive or insulting toward me. But when I posted an IG story of my daughter @iamluciacg — which I have saved in case you would want to review it — a private message was sent to me…

“Many of my friends and followers have been furious sending me PM’s of their concerns and have tried to report this account but to no avail, have been rejected…”

Iginiit ni China: “If in your case, you do not see such [as] abusive content — as I can translate to english: CUTE I WOULD LOVE TO PUT HER IN A SACK AND THROW HER IN THE RIVER… pertaining to my 4 year old daughter — I would personally take this as a threat, cyber bullying even to the extent of kidnapping.”

Cojuangco also vowed that she would “take action” to protect her innocent daughter: “I do not wish for anyone saying that I am over reacting — but if this involves my innocent daughter — then I will take action. Praying and hoping that you would too.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …