TATLONG fake na websites ang naglabas na yumao na si John Lloyd Cruz.
Ayon sa Rappler, naglabasan ang fake news stories na ‘yon sa Facebook noong June 9 o June 10.
Sa websites na 2018manilatrends.com at 2018socialclub.com), inireport na yumao ang aktor dahil sa carjacking incident. Sa website naman na 2018recipe.com, inireport na nagpatiwakal si John Lloyd sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop ng isang condominium building.
Ayon sa report ng Rappler, ang mga nabanggit na websites ay walang date (o timestamp). Ang nakadiskubreng fake ang mga balita at websites na ‘yon ay ang Facebook fact-checking dashboard.
Alam ng madla na buhay na buhay si John Lloyd dahil dumalo ang aktor sa preliminary hearing ng kaso ng child abuse at cybercrimes laban sa ka-live-in partner n’yang si Ellen Adarna noong June 11. Sa Pasig Prosecutors Office ginanap ang hearing.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas