Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkakawanggawa ni Greta, ititigil na

NAG-LIVE video sila sa Facebook at sa Instagram nitong Tuesday (June 12), mga 9:00 p.m., para i-announce ang pagputol nila ng project na ‘yon na nauuwi lang sa matinding pamba-bash kay Gretchen Barretto at sa mga kaibigan.

Pero habang inia-announce nila ang pagku-quit nila, may netizens na nagsususumamong ang pagla-live video na lang ang itigil nila pero huwag ang pagga-grant ng wish.

Dahil lang naman kasi sa pagla-live video nila kaya sila naba-bash.

Grabe naman kasi ang backlash ng umano’y pagtatawa nila nang palait sa isa sa mga sumulat sa kanila. Pinagbintangan silang ‘yung sakit at ‘yung may-sakit ang pinagtawanan nila.

Nag-apologize na nga sila at nagsabing ‘yung sulat mismo ang nakapagpatawa sa kanila at ‘di ‘yung sumulat at sakit ng sumulat.

Noong unang nag-live video sila para magpaliwanag at mag-apologize sa madla, tinawag pa si Gretchen na “kabit” ng bilyonaryong si Tonyboy Cojuangco.

At umamin naman si Gretchen at buong-giting na nagpaliwanag kung anong klaseng kabit siya. Mahaba at dramatikong sagot ni Gretchen:

Aaminin ko, for the past 23 or almost 24 years, opo, kabit po ako ni Tonyboy Cojuangco. I never denied it.

“If you threw that at me five years ago, maglulupasay po ako. Halos magpakamatay po ako sa sakit sa aking dibdib ‘pag tinatawag niyo akong kabit. But right now, after 23 lovely years with my Tonyboy, you can call me ‘kabit’ and I will tell you, ‘I am happily his kabit. I am happily his mistress.”

Inilarawan n’ya si Tonyboy Cojuangco bilang “the man who loves me unconditionally.” 

Dagdag na paliwanag pa n’ya:  “Yes, it is true. Maybe I will never be married with him. Maybe he will never marry me. Maybe I will never have that dream to walk down the aisle and have that fabulous gown. 

“But who cares? I have a very flawed life, a flawed relationship, but I’m happy.

“He understands me fully, he loves me fully, and in his eyes, I can do no wrong. So who am I to complain?

“Life isn’t perfect. Hey, where we live right now, it’s not heaven, you know. And I’m not the only one who lives an imperfect life.” 

Halatang nasaktan talaga si Gretchen.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …