Saturday , May 17 2025

Nakalulula si Anne Curtis ngayon!

MAHIRAP sigurong bilangin ang mga kabutihang nagagawa at naidudulot ni Anne Curtis sa kapwatao n’ya at sa madla.

Pumapailanlang siya sa rami ng blessings na dumarating sa kanya.

Hit na hit, naka-P100,000 plus na ang box office gross, ang pelikula nila ni Dingdong Dantes na Sid & Aya (Not a Love Story). Nangyari ‘yon kahit na maikling panahon lang na nai-publicize at nai-promote ang pelikula.

Ilang araw lang pagka-announce ng tagumpay sa box office ng Sid & Aya, biglang ibinalitang magso-solo concert na uli si Anne sa Araneta Coliseum.

Anne-Kulit ang simpleng titulo ng concert na sa August 8 idaraos.

At ngayon naman ay ang balitang may dalawang pelikula si Anne na itatanghal sa New York Asian Film Festival na gaganapin mula June 29 hanggang July 15 sa New York.  Ang mga ito ay ang Sid & Aya at ang Buy Bust.

Dahil hindi pa naipalalabas kahit saan ang action thriller na Buy Bust, bale world premiere ang magaganap sa New York. Magsisilbing closing film din ng festival ang Buy Bust.

Ibinabalita na rin ng Viva Films na sa August 1 na magsisimulang ipalabas sa Pilipinas ang pelikula.

Sa direksiyon ni Erik Matti, ang Buy Bust ay sinasabing “most ambitious action film project sa Pilipinas” sa ngayon. Mahigit sa 300 stuntmen ang tampok sa pelikula na pinahintulutang gumamit ng 250, 000 grams ng pulbura.

Isang policewoman si Anne sa istorya nang naging napakamapanganib na buy bust operation sa isang slum area dahil ang mga pulis ang masusukol sa pugad na iyon ng bentahan ng droga.

Makalalabas pa kaya sila ng buhay sa pugad ng mga halang ang sikmura?

Ang pelikula ay co-production ng Viva Films at Reality Entertainment. Nasa cast din nito sa major roles ang Pinoy martial arts champion na si Brandon Vera, at sina Nonie Buencamino at Victor Neri. 

Malamang ay dumalo si Anne sa world premiere, kasama si Matti (na direktor din ng pinananabikang bagong Darna ni Liza Soberano ng Star Cinema).

Kamakailan, sa tagumpay na tinatamasa n’ya, biglang naalala ni Anne na ‘di na n’ya naituloy ang pag-aaral n’ya sa kolehiyo para maging titser ng mga bata. Hindi pa rin naman siya nawawalan ng pag-asa na may darating din na panahon na makakapag-aral siya.

Gaya rin ‘yon ng nasa isip n’ya tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ng mister n’yang si Erwan Heussaf sa tamang panahon.

Samantala, ipalalabas din sa New York Asian Festival ang  Neomanila  ni Mikhail RedRespeto ni Treb Monteras, at We Will Not Die Tonight ni Richard Somes. 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *