Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ‘di pala pinamahan ni Tita Cory

I  was never part of the inheritance. Let’s be clear…”

Deklarasyon ni Kris Aquino ‘yan. Ang pina­patungkulan n’ya ay kung may namana ba siya o wala mula sa butihin n’yang ina, ang yumaong President Corazon “Cory” Aquino.

Wala umanong ipinamana sa kanya ang butihin n’yang ina.

Ginawa ni Kris ang pahayag na ‘yan sa isang rare live interview with Cristy Fermin kamakailan sa radio show na CristyFerMinute, ayon sa report ni Clarizel Abanilla sa Philippine Inquirer kamakailan.

Ayon kay Kris, bunsong anak ni Tita Cory, sa halip na pamamahan siya, ibinigay lahat ng para sa kanya sa panganay n’yang anak na si Josh Aquino, anak ni Kris kay Phillip Salvador.

Ipinagtapat ni Kris na ang “most painful” challenge na hinarap n’ya sa buhay ay noong nagdalantao siya kay Josh nang wala sa plano n’ya (dahil hindi naman siya kasal kay Phillip).

Aniya, ‘yun ang kauna-unahang pagkakataon na naging matigas ang puso ng ina n’ya sa kanya.

Pero nagbago rin ang lahat nang isilang n’ya si Josh.

Pagtatapat ni Kris: ”I was never part of the inheritance. Let’s be clear. It was never spoken of because hindi naman ine-expect na mangyayari sa kanya ‘yung nangyare sa kanya but she made it very clear to me ‘I want that field to be leveled, gusto kong patas sila…

“Nasa tiyan ko pa lang, pinag-aagawan si Bimb para sa commercials. Masakit sa mom. Masakit sa mom ko na this child is getting everything, and Kuya Josh – because of his condition, because of his autism hindi maaasahan kung ano’ng mangyayari…

“That time pa lang sinabi ng mom ko, your money, because you have money of your own, the money that you should expect from me, nakapangalan kay Josh. At hindi ako ang namamahala nun, that is under my Ate’s [Ballsy Aquino] care.”

Hindi naman tinutulan ni Kris ang pasyang iyon ng ina n’ya.

Sa kabuuan ay maayos at masaya rin naman ang naging relasyon ni Kris sa kanyang ina. Naipagtapat din ni Kris na bago yumao ang kanyang ina ay lubusan naman silang nakapagpatawaran sa isa’t isa, pati na sa naging isyu ni Tita Cory kay Josh.

“Nagsorry kaming dalawa sa isa’t-isa about that kasi and she said, I was also wrong because I punished the child,” pagtatapat ni Kris.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …