Thursday , December 19 2024
sexual harrassment hipo

Sexual harassment, uso ba sa Pinoy showbiz?

ALAM n’yo bang mula noong Nobyembre ng nakaraang taon hanggang ngayong buwan ng Mayo, halos 200 lalaki at bading na celebrities sa Amerika ang inakusahan ng sexual misconduct ng mga artista at ordinaryong tao na empleado ng mga nagpaparatang sa kanila? Ang ilan sa mga inakusahan sa (traditional) media o sa social media network ay kinasuhan din talaga sa korte.

‘Yan ay ayon sa mga ulat ng Flare News.com, ng dyaryong USA Today, at sa CNN News. Ang pinaka-prominente sa mga kinasuhan ay ang film producer na si Harvey Weinstein at ang premyadong aktor na si Kevin Spacey. Mga babae ang naghahabla kay Weinstein at mga lalaki naman kay Spacey na isang bading.

Pinadalhan na ng arrest warrant si Weinstein pero sa halip na hintayin n’yang dakpin siya, kusa siyang sumuko sa pulisya, at agad inayos ng mga abogado n’ya na makapagpiyansa siya para ‘di siya mailagay sa selda na kahit isang minuto man lang.

Ultimong ang ngayo’y 80 years old nang premyadong actor na si Morgan Freeman ay nasampahan ng kaso ng walong babae.

At alam n’yo bang ang dating US president na si George W. Bush (‘yung anak at hindi ‘yung ama na unang naging pangulo) ay pinaratangan ng walong babae (kabilang na ang ilang artista at media personalities) na pinisil at pinanggigilan ang mga puwet nila. May mga report din na ang ilang insidente ng pamimisil na iyon ay nasaksihan ng misis n’yang si Barbara Bush na minsan nga raw ay napabulalas na: “One day, he could land in jail for that!”

Kabilang din sa mga inakusahan ang news analyst commentator na sina Bill O’Reilly at Matt Lauer, ang chef-restaurant owner na sina Mario Battali at John Besh at ang rocker na si RD Lang.

Mayroon ding mga propesor sa mga unibersidad na inakusahan ng sexual misconduct bagama’t ‘di kinasuhan sa hukuman ng mga nagpaparatang.

Mas maraming babae ang nag-aakusa sa celebrities na mga lalaki. Pero bukod kay Spacey, may ilan pang bading na may makapangyarihang trabaho o posisyon na inakusahan ng panghihipo at mga mas masahol pang pagtatangka sa mga empleado nilang lalaki.

Iniimbestigahan pa lang ang mga bintang kay Kevin. Pero marami nang projects na nawala sa kanya mula nang pagbintangan siya na in-oral sex n’ya ang isang aktor noong 14 years old pa lang ito at lasing.

May #MeToo movement na sa Amerika na ibinubulgar ng mga babae ang sexual harassment o tahasang sexual abuse na dinanas nila sa mga makapangyarihang lalaki. Bale kasali rin sa movement na ‘yon ang mga lalaking napagsamantalahan ng mga bading.

Wala bang mga ganoong pangyayari sa Pilipinas?

Puwedeng sabihing wala.

Ang mayroon dito sa atin ay mga lihim o itinatangging relasyon ng influential personalities sa mga artista na sa paglaon ay sumisikat din naman at nakikinabang nang husto sa relasyon nila sa producer, director, manager, o talent scout-discoverer nila.

Nililigawan ang marami sa mga artista natin at hindi basta dinadakma na lang. O ikinakama. Sinusuportahan sila at sinusustentuhan pati ang pamilya nila. Walang artistang aamin na nagjng kerida sila o naging boytoy ng mga matrona at bading na may pera at may impluwensiya sa showbiz.

Marami ring lesbiyana sa industriya na may mga alagang magaganda at seksing artista na ibinabahay nila at binubuhay habang ‘di pa sikat at maliit pa ang kita.

May mga espesyal at tagong relasyon sa industriya na nagtatagal. At hindi talaga lihim ang mga iyon. Hindi iniuulat nang deretsahan pero itsinitsismis lang. Pinapahanginan. Ibina-blind item.

Karamihan sa mga natsitsismis na alaga ng matrona, ng bading, ng prodyuser, o ng direktor ay totoo. Pero, siyempre pa, idini-deny nila ang relasyong sexual. Malapit lang sila na magkaibigan, igigiit ng mga sangkot. At ibinabalita rin naman sa media ang mga pagtanggi nila dahil sa takot ng mga nagsusulat at naglalabas ng ganoong mga kuwento na mademanda.

‘Yun nga, wala namang sexual abuse na nagaganap sa Pinoy showbiz. Ligawan at mutual benefits ang laganap. Consensual naman ang sexual relationships sa Pinoy showbiz.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *